190 total views
Walang dapat ikabahala ang publiko sa pagtaas at pagbaba ng inflation rate o pagpapanatili ng pagtaas ng presyo sa singil ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
Ayon kay University of Asia and the Pacific (UA&P) Professor Bernardo Villegas, katanggap–tanggap pa rin ang patuloy na pagtaas ng inflation rate.
Sa katunayan aniya nakaligtaan na ng ilan na nakapagtala na ng halos 15 porsyento ng inflation rate sa bansa.
Inihayag ni Villegas na maari pang palaguin ng ilang porsyento ang inflation na nagpapakita lamang na umaasensyo ang ekonomiya ng Pilipinas.
“Hindi naman yun worrisome ang inflation rate natin napakababa 1.2, 1.3 and inflation rate of 2 percent is been acceptable. Kaya yung mga nagwo – worry they forgot that in the past our inflation rate was as highest as 15 percent. Masyadong nerbiyoso yung mga iniisip na yung pagbaba, pagtaas ng inflation rate may problema. No, I will tolerate even a few percent inflation rate,” bahagi ng pahayag ni Villegas sa panayam ng Veritas Patrol.
Batay naman sa pag–aaral ng NEDA o National Economic and Development Autority nitong May 2016 umakyat ng 1.6 na porsyento mula sa 1.1 porsyento ang presyo ng mga pagkain at serbisyo epekto na rin ito ng nakaraang national at local elections.
Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika nakasaad na dapat alalahanin ang mga mahihirap sa anumang paggalaw ng presyo sa merkado.