304 total views
Magtipun-tipon ang mga Chaplain at mga volunteers ng prison service para sa 11th General Assembly of Jail/Prison Chaplains and Volunteers in Prison Service sa ika-25 ng Pebrero hanggang sa unang araw ng Marso.
Magaganap ang limang na araw na pagtitipon sa Bethlehem Pastoral and Human Development Center sa Bacacay, Albay na mayroong temang “Workers for Prison Ministry: Beloved, Gifted, Empowered Servant Leaders for the New Evangelization.”
Layunin ng pagtitipon na mas mapalalim ang pag-unawa at pagpapahalaga ng bawat isa sa pagsusulong ng New Evangelization at Servant Leadership kasabay ng pagsusuri sa mga pagbabago sa kasalukuyang sitwasyon ng Criminal Justice System sa bansa.
Pambihirang pagkakataon ang pagtitipon upang makapagpalitan ng karanasan ang bawat isa sa kanilang paglilingkod para sa kapakanan ng mga bilanggo at matalakay ang mga usaping dapat na tutukan ng prison ministry hanggang taong 2021.
Inaasahang aabot sa mahigit 200 chaplains at volunteers ng prison service mula sa iba’t-ibang ecclesiastical territories ang dadalo sa pagtitipon na isinasagawa kada tatlong taon.
Kabilang sa mga tatalakayin sa 5-araw na pagtitipon ay: Conference 1 on “The New Evangelization” with Bishop Joel Z. Baylon, Chairman ng CBCP-ECPPC as Speaker;
Conference 2 on the topic: “To Be Servant Leaders” to be given by Rev. Silvino L. Borres, Jr., SJ, Rector of the Loyola House of Studies and Head, Center for Ignatian Spirituality.
Conference 3 on “The Current Philippine Situation” by Atty. Florin T. Hilbay, Former Solicitor General.
Conference 4 on “In Defense of Human Life / Human Rights” with Atty. Marial Sol Taule, Legal Counsel, KARAPATAN Alliance for the Advancement of People’s Rights.
Batay sa tala ng CBCP Episcopal Commission on Prison Pastoral Care, aabot lamang sa 2,500 ang bilang ng mga volunteer sa buong bansa na nagkakaloob ng iba’t ibang programa upang makatulong at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga bilanggo.
Sinasabi naman sa panlipunang turo ng Simbahang Katolika ang pagbibilanggo ay hindi lamang para parusahan ang mga taong lumalabag sa batas sa halip ay upang mapaghilom ang pagkasirang tinamo ng mga nagkasala.