187 total views
Ito ang tugon ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hayaang magtrabaho ang mga Chinese sa bansa sa halip na i-deport dahil maaring malagay sa panganib ang mga Overseas Filipino Workers sa China.
“We have our laws. All must follow and observe laws. Their entry, stay and work must be legal, and if not, so apply the law. No exception, no special treatment,” pahayag ni Bishop Santos.
Ayon sa pinuno ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, hindi dapat pangambahan ang mga OFW sapagkat sumsunod ito sa batas at mga alituntunin sa mga bansang pinagtatrabahuan.
“Our OFWs obey and fulfilled the laws of the countries where they work and reside,” dagdag ng Obispo.
Umaasa si Bishop Santos na bigyang prayoridad ng pamahalaan ang mga manggagawang Filipino na makapagtrabaho dito sa bansa upang mapigilan ang pagdami ng mga umaalis na nakikipagsapalaran sa ibayong dagat.
Kaakibat ng pagbibigay ng trabaho, ibigay ang wastong pasahod at benepisyo sa mga manggagawa upang matulungan sa mga tumataas na presyo ng bilihin.
“Our OFWs are skilled labourers and they are most sought after workers. So our Filipinos are very much qualified. Prioritize them, Filipinos first and give them works here so that there will be no need of going abroad. Opportunities, such as works, first and foremost be offered, given and awarded to Filipinos,” saad ni Bishop Santos.
Batay sa pahayag ng opisyal halos 400 libo ang mga OFW na kasalukuyang naghahanapbuhay sa China na patunay na hindi kulang ang manggagawang Filipino.
Taliwas ito sa pahayag ng Pangulong Duterte na kakulangan ng mga manggagawang Filipino ang dahilan sa pagkaantala ng ilang proyekto ng Build Build Build Program.
“Since we have workers abroad, especially the government admits of 400K in China, we don’t lack skilled Filipino workers. So it could be we are not giving them works and chose to give works to other nationalities. And thus it is unfair treatment to our fellow Filipinos,” dagdag pa ng Obispo.
Magugunitang sa pagbisita ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa Pilipinas noong 2015, binigyang pagkilala ng Santo Papa ang ambag ng mga OFW sa lipunan na patuloy nagsusumikap sa ibang bansa upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa Pilipinas.
Aniya, malaking sakripisyo ang ginampanan ng mga OFW na naghahanapbuhay na malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.