155 total views
Pinasimulan ni Radio Veritas President at Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual ang Kilusang Plant Based Diet challenge.
Ang Plant Based Diet Challenge ay ang pagluluto at pagkain ng gulay sa loob ng 40-araw ngayong panahon ng kuwaresma o paggunita ng lent.
Sinabi ni Father Pascual na ang challenge ay magsisilbi bilang pag-aayuno o pag-iwas sa pagkain ng karne o masasarap na pagkain ngayong kuwaresma.
Bahagi ng kampanya at adbokasiya ng Radio Veritas at Caritas Manila ang mabuting pangangalaga sa kalusugan at kalikasan.
Iginiit ng pangulo ng Radio Veritas na ang hindi pagkain ng karne ay hindi lamang pakikipag-ugnayan sa Diyos kungdi pangangalaga sa ating katawan na siyang templo ng Panginoon.
Unang hinamon ni Father Pascual si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na siyang ring Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na gawin ang Kilusang Plant Based Diet Challenge o hindi pagkain ng karne at mga pagkain may mukha.
Read: Kilusang Plant-Based Challenge
Ang hamon ay malugod namang tinanggap ni Bishop David.
Matutunghayan ang pagtanggap ni Bishop David sa hamon sa hamon ni Father Pascual sa www.veritas846.ph at programang Katok-Tahanan ng Radio Veritas
Upang malaman kung sino ang tatanggap sa hamon ni Bishop David ay mag-log on sa www.veritas846.ph.
Nabatid sa pag-aaral na naglalabas ng greenhouse gas ang livestock at meat production na mapanganib sa kalikasan dahil nagdaragdag sa pag-init ng mundo.
Sinabi sa pag-aaral na 60-porsiyento ng kinakain ng tao ay processed food at 30-porsiyento ay karne na dahilan ng maraming sakit.
Ayon sa pag-aaral, 10-porsiyento lamang sa mga kinakain ng tao ay mga prutas at gulay.