290 total views
Ipinagdiriwang ngayon ni Cotabato Archbishop-emeritus Orlando Cardinal Quevedo ang kaniyang ika-80 kaarawan.
Si Cardinal Quevedo ay bahagi ng 223 college of cardinals bagama’t sa pag-abot ng 80 taon ay matatanggal sa Cardinal electors o kapangyarihan na mahalal at maghalal ng Santo Papa sakaling magkaroon ng ‘sede vacante’.
Taong 1971 nang ipatupad ng Vatican sa ilalim ng pamumuno ni Pope Paul VI ang maximum age of under 80 ng mga cardinal na maging bahagi ng pagboto sa conclave.
Sa kasalukuyan may kabuuang 122 ang bilang ng Cardinal electors habang 10 pang mga cardinal ang nakatakdang magdiwang ng kanilang ika-80 taong kaarawan ngayong 2019 kabilang na si Cardinal Edwin Frederick Cardinal O’Brien ang Grand Master of the Equestrian Order of the Holy Sepulchre of Jerusalem.
Si Cardinal O’Brien ay magdiriwang ng kaniyang ika-80 kaarawan sa ika-8 ng Abril.
Si Cardinal Quevedo ay isinilang, March 11, 1939 na itinalaga bilang cardinal noong 2014.
Nobyembre noong nakalipas na taon nang tanggapin ni Pope Francis ang pagbibitiw ni Cardinal Quevedo at itinalaga bilang kahalili si Archbishop Angelito Lampon para pangasiwaan ang Archdiocese of Cotabato.
Sa kasalukuyan ang Pilipinas na may higit sa 86 na milyong populasyon ng mga katoliko, at tatlong kardinal kabilang sina Cardinal Quevedo, Gaudencio Cardinal Rosales at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.