Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sa darating na eleksyon, ipaglaban ang buhay

SHARE THE TRUTH

 273 total views

Mga Kapanalig, noong 2013, masiglang kumilos ang mga samahang pro-life upang bumuo ng tinawag nilang “Catholic Vote”. Ikinampanya nila ang mga kandidatong sumalungat sa Reproductive Health o RH Law. Naglabas rin sila ng listahan ng mga kandidatong hindi dapat iboto dahil sumuporta sila sa naturang batas.

Sa kasalukuyang eleksyon, patuloy ang pagpapaalala ng grupo sa mga katoliko na bumoto para sa buhay. Noong nakaraang linggo, lumabas sa isang pro-life website ang talaan ng kandidatong dating senador at kongresistang bumoto sa RH Law. Malinaw na itinuturing nilang malaking banta ang mga taong ito sa kasagraduhan ng buhay.

Kapansin-pansing may kandidato sa pagkapangulo na wala sa talaang ito, marahil dahil hindi siya naging mambabatas. Ngunit, mga Kapanalig, maaaring ang kandidatong ito ang pinakamatinding banta sa kasagraduhan ng buhay sa ating bansa. Ang pagsuporta niya sa RH Law ang pinakamaliit na paglabag niya sa katuruang Katoliko tungkol rito. Ayon sa isang ulat sa Rappler, bilang alkalde ng isang malaking lungsod, naglaan siya noon ng mga libreng serbisyo para sa vasectomy at ligation. Namigay pa siya ng pera sa mamamayang gumamit ng mga serbisyong ito.

Malala pa rito, masugid siyang tagapagtaguyod ng pagbabalik ng parusang kamatayan o death penalty. Mula 1992, mahigpit na tinutulan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP ang pagbabalik sa parusang bitay. Nang naibalik ito noong 1997, mabagsik nilang ipinaglaban ang pagtatanggal nito, hanggang sa suspindihin ang death penalty noong 2006. Sa “CBCP statement on the non-restoration of the death penalty,” na bahagi ng katuruang panlipunan ng ating lokal na Simbahan, sinabi ng CBCP na ang pagtutol nila sa pagsasabalik ng parusang kamatayan ay alinsunod sa maawaing mukha ng Panginoon, na hindi kamatayan ang ninanais para sa maysala, kundi ang pagbabagong buhay sa kaniya.

Ayon kay Papa Francisco, sa isang mensahe sa International Commission on the Death Penalty noong 2015, ang parusang kamatayan ay kabaligtaran ng awa ng Diyos.Walang anumang krimeng dapat lapatan ng parusang kamatayan, at walang katarungang nakakamit sa pagkitil ng buhay ninuman, maysala man o wala.

Higit pang nakababahala, mga Kapanalig, ang pagwawalambahala ng kandidatong ito sa mga extrajudicial killings, o ang pagpatay nang walang paglilitis, gaya ng ginagawa ng umano’y “death squad” sa lungsod na dati niyang pinamunuan. Ayon sa isang lihim na ulat na ibinunyag ni Fr. Amado Picardal, Executive Secretary ng CBCP Committee on Basic Ecclesial Communities, mahigit 1,000 na ang pinatay ng “death squad” mula 1998 hanggang 2015. Marami sa kanila ay pinaghihinalaang kriminal, at karamihan ay hindi armado nang paslangin. Mahigit 100 bata ang kasama raw sa mga biktima, at dalawang mamamahayag na kritikal sa naturang kandidato. Labing-apat ang kaso ng napagkamalan lamang.

Noong Mayo 2015, inamin ng kontrobersyal na kandidato na may koneksyon nga siya sa mga death squad. Mabilis itong binawi makaraan ang ilang araw. Biro lang daw. Marahil, biro rin ang binigkas niya noong Pebrero 2009: “If you are doing an illegal activity in my city… for as long as I am the mayor, you are a legitimate target of assassination.”

Wala ni anino tungkol sa mga bagay na ito sa pro-life website na nabanggit kanina. Ang isinusumbat nila sa kandidatong ito ay pambababae, pagmumura sa Santo Papa, at pagsang-ayon sa gay marriage. Samantala, patuloy ang pamamayagpag niya sa mga public opinion surveys.

Mga Kapanalig, tinatawag tayo bilang mga katoliko na ipagtanggol ang buhay. Mas matindi ang panawagan ngayon kaysa noong 2013,ngunit tila mas mahina ang tugonng mga Katolikong nagtataguyod sa kasagraduhan ng buhay. Ilang araw na lamang bago mag-eleksyon, ngunit may panahon pa para ipakita ang pagtutol natin sa kawalan ng pagpapahalaga sa buhay. Pangatawanan natin ang ating pagiging tagasunod sa Panginoon ng Buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,992 total views

 27,992 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,648 total views

 42,648 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,763 total views

 52,763 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 62,340 total views

 62,340 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,329 total views

 82,329 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,993 total views

 27,993 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,649 total views

 42,649 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,764 total views

 52,764 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 62,341 total views

 62,341 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 82,330 total views

 82,330 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,455 total views

 48,455 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,480 total views

 43,480 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,049 total views

 47,049 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,504 total views

 59,504 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,571 total views

 70,571 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,890 total views

 76,890 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,501 total views

 81,501 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,061 total views

 83,061 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,622 total views

 48,622 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,414 total views

 69,414 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top