408 total views
Hinamon ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na tularan ang mga katangiang taglay ng korona ni Maria.
Ito ay kaugnay sa Canonical Coronation ng imahe ng Virgen De La Rosa sa Saints Peter and Paul Parish sa Makati, noong ika-16 ng Marso, 2019.
Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, inihalintulad nito sa tatlong katangian na kaligayahan, kababaang loob at pagiging abang lingkod, ang makikinang na brilyante sa korona ng Birheng Maria.
“CROWN OF JOY”
Ayon kay Cardinal Tagle, taglay ni Maria ang kaligayahang nagmumula sa walang hanggang grasya ng Panginoon nang ibalita dito ng anghel na siya ang magiging ina ng tagapagligtas na si Hesus.
Ipinaliwanag ng Kardinal na ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng walang hanggang kaligayahan na dapat matutunan ng mga mananampalataya kay Maria.
Inihayag ng Kardinal na walang anumang materyal na bagay, o kayamanan ang maaaring makapantay sa kaligayahang madarama ng tao kapag ang Panginoon ay nananahan sa kanyang buhay.
“Grace is not a thing, grace is God Himself, the Lord is with you, if the Lord is with us then you are happy, you’ll experience the joy that the world cannot give. Mary’s crown reminds everyone to find joy in the presence of God in their lives. No other jewel could match or surpass God in once life.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
“CROWN OF HUMILITY”
Inilarawan naman ni Cardinal Tagle ang kababaang loob na taglay ni Maria nang aminin nito ang kakulangan sa kakayahan na tuparin ang misyong ibinibigay ng Panginoon.
Iginiit ng Kardinal na sa kabila ng pagkakahirang bilang ina ng Diyos ay hindi nagbago ang pagiging mapagpakumbaba ni Maria at sa halip ay nanatili itong abang lingkod sa mga mahihirap.
Kabaliktaran dito ang ugali ng ilang mga tao na magkaroon lamang ng kaunting kapangyarihan ay nagiging mayabang at mataas ang pagtingin sa kanilang sarili.
Ayon sa Kardinal, hindi ganito ang korona ng Mahal na Birhen dahil bahagi ng katangian nito ang manatiling kapatid ng mga mahihirap at nangangailangan.
“Mary did not make use of her calling to separate herself from them, to forget them… The woman crowned as the mother of God is a humble woman whose heart beats with the helplessness, with the cries, with the pains of the humble people of every generation” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.
“CROWN OF SERVANTHOOD”
Ipinamalas ng Mahal na Birhen ang pagiging abang lingkod ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtalima sa Kan’yang mga utos.
Sinabi ni Cardinal Tagle, na bilang isang tagapaglingkod, hindi maaaring maging dalawa ang diyos na iyong pagsisilbihan.
Nilinaw nito na hindi maaaring paglingkuran ng tao ang salapi at ang Diyos ng sabay dahil ang paglilingkod ay nangangahulugang ibinibigay ng tao ang kan’yang sarili bilang pag-aari ng Panginoon.
“During the time of Jesus and Mary, to be a servant of someone means I belong to the one who I serve. More than work, it is about belongingness. To whom do I belong? And if I belong to the Lord, I will serve the Lord. No wonder Jesus will say, “You cannot serve both God and money.” Now, but if you belong to money, you will serve money, but if you belong to the Lord, you will serve the Lord. It is not just action it is about belonging, if I belong to the Lord, I will serve the Lord.” mensahe ni Cardinal Tagle
PAKIKIRAMAY SA MGA MUSLIM SA NEW ZEALAND
Sa kanyang homiliya, nagpahayag ng pakikiramay si Cardinal Tagle, bilang Presidente ng Caritas Internationalis sa mga nasaktan, mga nasawi, at naiwang pamilya ng mga biktima sa mass shooting sa dalawang mosque sa siyudad ng Christchurch sa New Zealand.
Ayon sa Kardinal, labis na nakalulungkot ang nagaganap na pang-uusig hindi lamang sa mga Kristiyano kun’di sa lahat ng mga nakikipag-isa sa Diyos.
Sinabi ni Cardinal Tagle na tulad ni Maria ay marahil nagtatanong din ang mga biktima kung bakit naganap ang marahas na pangyayari.
Gayunman, ipinaalala ng Arsobispo ng Archdiocese of Manila na sa kabila ng pag-aalinlangan ay mahalagang manatili ang pananalig ng bawat isa sa Panginoon.
“She is in communion with the many humble helpless people of her time and of all ages. She has united herself with people who almost say every day, “how can this be?”… We unite ourselves with our brothers and sisters in New Zealand, our brother and sister praying in the mosque, who were attacked at the moment of prayer and some of them now the survivors asking, how could this happen? When you are communing with God something contrary to God happens to you.” Pahayag ni Cardinal Tagle.
WEAR THE CROWN OF MARY
Kaugnay nito, hinimok ng Kardinal ang mga deboto ng Mahal na Virgen Dela Rosa at ang lahat ng mga mananampalataya na iwaksi ang katangian ng mga koronang hindi tulad nang kay Maria.
Tiniyak ng Kardinal na sa pamamagitan ng pagtulad sa mga katangian ng koronang ipinutong sa Mahal na Birhen ay matututunan ng mga tao ang pamamaraan ni Maria na tingnan ang kagandahan sa kabila ng pagtatakda ng mundo kung ano ang pangit.
“Finding beauty in what the world considers ugly. Mary stood at the foot of the cross of her Son, the Son crowned with thorns, an ugly site, but she stood there and found the mysterious beauty of crucified love… Where do we located beauty? Mary teaches us the way.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle
Taong 1718 nang dumating sa Pilipinas ang imahe ng mahal na Virgen Dela Rosa at nanahanan sa simbahan ng San Pedro de Macati.
Noong nakaraang 2018, ipinagdiwang ng simbahan ang ika-300 taong pananatili ng imahe sa ngayo’y tinatawag na Sts. Peter and Paul Parish.
Sa kasalukuyan, ang imahe ng mahal na Virgen Dela Rosa ang ika-41 imaheng nakatanggap ng Canonical Coronation sa Pilipinas.
READ: FULL TEXT OF THE HOMILY DURING THE CANONICAL CORONATION OF VIRGEN DELA ROSA