194 total views
Patuloy ang panayaya ng pamunuan ng Radio Veritas sa lahat ng mga Kapanalaig na bumisita at magdasal sa mga imahen ng mahal na birheng Maria at mga santo sa ika-15 taong Marian and the Saints exhibit sa 3rd floor,SM main building, North Edsa, Quezon city.
Ayon kay Father Anton Pascual, Presidente ng Radio Veritas, ituring na pilgrimage ang pagbista sa exhibit dahil sa pamamagitan nito ay makita natin at mapag-alayan ng panalangin ang mga imahen ng mga santo at banal na siyang huwaran ng ating pananamplatayang Katoliko.
“Nagpapasalamat tayo sa Diyos na nabigyan tayo ng pagakakataon na magkaroon muli ng sa taong ito ng ating mary and the saints exhibit 2016 kasama ang tema ng year of the eucharist and the family sa Pilipinas. Inaanyayahan natin ang mga kapanalig at lahat ng naghahangad na sila ay mapaghimalaan ng Diyos na dumalaw po tayo dito mag pilgrims tayo dito sa SM north sa taunang mary and the saints exhibits ng Radio Veritas.”paanyaya ni Father Pascual.
Iginiit ng pari na ang pagbisita dito ay mabahaginan tayo ng garasya at kabanalan na mahal na birheng maria at mga santo.
Mahigit sa 100 mga imahen ng ibat-ibang mga santo at ng mahal na birheng maria at lifesized image ng sleeping St. Joseph ang makikita sa Marian and the Saints exhibit ngayong taon ng awa at habag ng Diyos.