198 total views
Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya ng Tagbiran sa isasagawang Earth Hour
Ayon sa Obispo marapat lamang na ipakita ng mamamayan ang pagmamahal sa kalikasan tulad ng ipinadama ng Diyos sa bawat isa ng ipagkaloob ito sa sanlibutan.
Paliwanag ni Bishop Uy na ang pagpatay ng mga ilaw sa bawat tahanan ay tanda ng pakikiisa sa Earth Hour ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa mundo at isa na ring pagbabalik tanaw sa kasiyahan sa mga tahanan noong panahong wala pang suplay ng kuryente sa bansa.
Ang Earth Hour ay inisyatibo ng grupong World Wide Fund for Nature-isang international non-government organization na nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.
Read: Diocese ng San Jose sa Nueva Ecija, makikiisa sa Earth Hour
Sa taong 2018 umabot sa 188 mga bansa ang nakiisa sa Earth hour at mahigit 17,900 mga institusyon at establisyimento kabilang na ang mga simbahan.