Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Karaoke sa Senado?

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Mga Kapanalig, sa isang pagdinig na ginawa ng Senado tungkol sa krisis sa tubig na nararanasan sa maraming bahagi ng Metro Manila, pinuna ni Senadora Grace Poe ang aniya’y “incompetence” ng pamunuan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS. Sabi ng senadora, hindi raw talaga mahahanapan ng solusyon ng mga taga-MWSS ang kakulangan sa suplay ng tubig dahil puro raw abogado ang namamahala ng ahensya at gumagawa ng desisyon.

Kung lubhang mahalaga para sa senadora na akma dapat ang kakayahan ng mga namumuno ng mga ahensya ng pamahalaan sa iniatang sa kanilang trabaho, mukhang hindi na niya kailangang lumayo sa kanyang opisina. Ilan kaya sa kanilang bumubuo ng Senado ang nakauunawa sa kanilang tungkulin na bumuo ng maayos na mga batas at bantayan ang kapangyarihan ng iba pang sangay ng pamahalaan? Ilan sa kanila ang may sapat na kakayahang sumulat ng batas at kaya itong ipaliwanag sa kanyang kapwa mambabatas? Bagamat sinasabi sa batas na karapatan ng sinumang maging lingkod-bayan at mahalal ng taumbayan, hindi kailáng may mga naluluklok sa puwesto dahil lamang sa sila ay sikat na artista o boksingero, o kaya nama’y anak ng isang kilalang artista o pulitiko. Hindi sila naihahalal dahil sa kanilang angking kakayahan tulad ng hinahanap ni Senadora Poe sa mga taga-MWSS.

At kahit kay Pangulong Duterte, hindi mahalaga ang kakayahan ng isang kandidato upang maging mambabatas. Kung para sa kanyang anak, walang problema kung ang mga tumatakbong senador ay sinungaling, para kay Pangulong Duterte, walang problema kung talento sa pagkanta ang batayan upang pumili tayo ng senador. Sa isang okasyon sa Mindanao, sinabi ni Pangulong Duterte na mas karapat-dapat na maging senador ang isang mang-aawit na nagpasikat ng maraming kanta kaysa sa isang human rights lawyer na kilalang tumutulong sa mga mahihirap. Payo pa ng pangulo sa ating mga botante, gamitin daw natin ang ating sentido kumon, ang ating common sense, sa pagpili ng mga senador ng bayan. Hindi napigilan ng pinatutungkulan niyang kandidato na sabihing ang Senado ay isang opisina kung saan ginagawa ng mga batas at hindi isang karaoke bar.

Ngunit sa totoo lang, lumipas na ang panahong ang seryosong pinag-uusapan at pinagdedebatehan ng mga senador ang mga panukalang batas upang sama-samang marating ang pinakamainam na bersyon ng batas. Nakalulungkot na ang nalalaman na lamang natin tungkol sa ating senador ngayon ay kung saang pelikula sila lalabas, kailan ang kanilang laban sa boksing, o kung anong kontrobersya ang kinasasangkutan nila.

May kasabihan ngang, “We get the government we deserve.” Ang kakayahang ipinamamalas ng ating mga lider—o kawalan nila nito—ay salamin hindi lamang ng kalidad ng kanilang pamumuno. Salamin din iyon ng ating mga sarili, ng ating pagpapahalaga—o kawalan ng pagpapahalaga—sa kakayahang mamuno ng mga inihahalal natin. Paano tayo makaaasa ng malinis na pamahalaan kung mga tiwali at magnanakaw ang ihahalal natin? Paano tayo magkakaroon ng makataong mga patakaran kung mga taong walang pagpapahalaga sa buhay ng tao ang ilalagay natin sa puwesto? Paano mabibigyan ng pagkakataon ang lahat na guminhawa sa buhay kung pinipili natin ang mga pulitikong inuuna ang interes ng kanilang negosyo o mga kaibigan? Paano natin paiiralin ang batas kung ang susulat ng mga ito ay wala namang kakayahang intindihin ang tunay na layunin ng batas?

Mga Kapanalig, sabi nga ni St John Paul II, ang demokrasya ay tuluy-tuloy na pagsubok sa kapasidad ng mga mamamayang pamahalaan ang kanilang sarili sa mga paraang naglilingkod sa kabutihan ng lahat at ng bawat isa. Kaya’t mahalagang ang mga pinipili nating maglingkod sa bayan ay ang mga taong kayang ipagtanggol ang katotohanan at ang ating mga pinahahalagahan bilang isang bayan. At hindi ito mangyayari sa isang senadong karaoke bar.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 27,477 total views

 27,477 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,133 total views

 42,133 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,248 total views

 52,248 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 61,825 total views

 61,825 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,814 total views

 81,814 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 27,478 total views

 27,478 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 42,134 total views

 42,134 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 52,249 total views

 52,249 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 61,826 total views

 61,826 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 81,815 total views

 81,815 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,405 total views

 48,405 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,430 total views

 43,430 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,999 total views

 46,999 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,454 total views

 59,454 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,521 total views

 70,521 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,840 total views

 76,840 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,451 total views

 81,451 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,011 total views

 83,011 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,572 total views

 48,572 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,400 total views

 69,400 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top