Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kampanyang batay sa haka-haka?

SHARE THE TRUTH

 173 total views

Mga Kanapalig, may pahiwatig na naman si Pangulong Duterte na bigo ang kanyang administrasyong sugpuin ang problema ng ilegal na droga. Noong nakaraang linggo, sinabi niyang lumala raw ang problema sa droga sa ating bansa, at maaaring matulad tayo sa bansang Mexico kung saan namamayagpag ang mga drug cartels o sindikato ng droga.

Gaano katotoo ang paghahalintulad na ito ng ating pangulo? Mayroon kaya siyang matibay na batayan upang sabihin iyon?

Ang kampanya laban sa iligal na droga ay masasabing pinakatampok na programa ng administrasyong Duterte. Marami ang naniwala sa kanyang sinabi noong kampanyang mawawala ang bawal na droga sa bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Pagkatapos ng isang taon noong 2017, inamin niyang “miscalculation” o maling pagtatantya ang maikling panahong ipinangako niya upang lutasin ang problema sa droga. Ngayong tatlong taon na siyang nasa puwesto, sinasabi sa atin ngayon ni Pangulong Duterte na nariyan pa rin ang problema at naging mas matindi pa ito sa kabila ng marahas at magastos na kampanya ng pamahalaan kontra droga at sa kabila ng pagkasawi ng libu-libong suspek na pinagkaitan ng tamang proseso ng batas.

Iba sa pananaw ni Pangulong Duterte ang pananaw ng pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA. Para sa kanya, malinaw na nagwawagi tayo sa laban kontra droga kung ang pagbabatayan natin ang bilang ng mga inaresto, mga nag-surrender sa mga awtoridad, at mga barangay na idineklarang “drug-free”, gayundin ang kabuuang halaga ng ipinagbabawal na gamot na nasabat sa mula sa mga nahuling high value targets at high-impact operations ng PDEA. Natuon daw marahil ang atensyon ni Pangulong Duterte sa bilyong-halaga ng drogang nasasamsam sa mga operasyon ng awtoridad. Dagdag pa ng hepe ng PDEA, sa dami at laki ng halaga ng mga nakuhang droga, hindi malayong maisip ng sinuman na tila nga lumalala ang drug situation sa bansa. Isabay pa rito ang mga balita tungkol sa mga tinaguriang “floating cocaine” o mga bloke ng cocaine na natagpuang palutang-lutang sa dagat ng Dinagat Island, Siargao, at Camarines Norte noong Pebrero.

Nagdudulot ng kalituhan ang magkasalungat na pahayag ni Pangulong Duterte at ng PDEA. Hindi natin malaman kung gaano nga ba kalaki pa ang problema natin sa droga, bagay na itinatanong ng marami noong pang nagsisimula ang marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa droga. Paano nga ba malalaman ang angkop at epektibong solusyon sa isang problema kung wala namang malinaw na datos at ebidensya ng lawak at laki nito? Hindi kaya mas lumalalâ ang problema natin sa ipinagbabawal na gamot dahil batay lamang ang tugon ng pamahalaan sa mga exaggeration at haka-haka ng ating mga lider? Mula nang magsimula ang “war on drugs” ng administrasyon, makailang ulit nang nag-iiba-iba ang tinatayang bilang ng mga gumagamit at nagtutulak ng droga. Kaya hindi nakapagtatakang sa halip na ayusin ang datos upang magkaroon ng matibay na batayan ang programang ito, naging abala ang administrasyon sa paglalabas ng narco-lists.

Mga Kapanalig, mahalagang nakabatay sa totoong ebidensya ang mga patakaran ng pamahalaan dahil buhay ng tao at ang kinabukasan ng bayan ang nakataya. Paano natin masasabing tama ang inihahaing solusyon ng ating mga lider kung batay lamang iyon sa kanilang haka-haka? Paano itinataguyod ng pamahalaan ang karapatan at dignidad ng mga mamamayan kung kapritso lamang ng isang tao ang ginagawang batayan ng mga hakbangin nito? Paalala nga ni Saint John XXIII sa Pacem in Terris, bigo ang isang pamahalaang gampanan ang tungkulin nito kung hindi nito kinikilala ang karapatan ng mga pinaglilingkuran nito. At nalalabag ang mga karapatang ito kung hindi nakatungtong sa katotohanan ang mga patakarang ipinatutupad ng pamahalaan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 29,050 total views

 29,050 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,706 total views

 43,706 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,821 total views

 53,821 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 63,398 total views

 63,398 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,387 total views

 83,387 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 29,051 total views

 29,051 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 43,707 total views

 43,707 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 53,822 total views

 53,822 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 63,399 total views

 63,399 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 83,388 total views

 83,388 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 48,531 total views

 48,531 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 43,556 total views

 43,556 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,125 total views

 47,125 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 59,580 total views

 59,580 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 70,647 total views

 70,647 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,966 total views

 76,966 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 81,577 total views

 81,577 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,137 total views

 83,137 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 48,698 total views

 48,698 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 69,438 total views

 69,438 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top