372 total views
Mainit na pagbati at suporta ang ipinaabot ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa bagong talagang Obispo ng Military Ordinariate of the Philippines na si Bishop Oscar Jaime Florencio.
Ayon kay CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, kagalakan ang kanilang naramdaman nang masaksihan ang Rite of Canonical Possession and Installation ni Bishop Florencio.
Naniniwala ang Arsobispo na ang pagiging pastol ng M.O.P. ay natatanging tungkulin, lalo pa’t ang mga nasasakupan nito ang nangangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng bansa.
Dahil dito, hinimok din ni Abp. Valles ang mga mananampalataya na ipanalangin si Bishop Florencio upang mapagtibay nito ang espiritualidad at pananampalataya ng mga sundalo at pulis sa bansa.
“First is the message of joy, we are happy to be here to witness the rite of installation of the new bishop of the military ordinariate. Together with that is our prayers for him because it is a unique very particular service to our people specially those who are in the military and the police men and women in uniform because they have a special task also in the nation and so their well-being, spiritual well-being is so essential also, so it will help them better serve our people and so we will pray always for bishop Oscar Florencio that he will do his work well with the grace of God.” pahayag ni Abp. Valles sa Radyo Veritas.
Bukod sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, kabilang din sa mga nasasakupan ng M.O.P. ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management & Penology (BJMP), at Veterans Memorial Medical Center.
Sa tala, humigit kumulang 130 ang bilang ng mga priest chaplains sa ilalim ng military diocese.