Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sambayanang Filipino, inaanyayahan sa Golden anniversary ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

 187 total views

Malugod na inanyayahan ng Arsobispo ng Maynila ang mga mananampalataya na makiisa sa ikalimampung(50years) anibersaryo ng Radio Veritas 846.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, mahalaga ang pagdiriwang sapagkat ito ay nagpapatunay na mas pinalalakas ng Simbahang Katolika ang paghatid ng mga impormasyong may katotohanan at tagapagpalaganap ng mga Salita ng Diyos gamit ang media at makabagong teknolohiya.

“Mga Kapanalig inaanyayahan po namin kayo sa isang napakahalaga at espesyal na event ang golden anniversary ng Radio Veritas 846, sige po para tayo ay maging tagapagdala ng katotohanan sa ating mundo,” bahagi ng paanyaya ni Cardinal Tagle.

PAGBABALIK TANAW

Magugunitang 1958 nang magtipon ang mga delegado ng Conventus Episcopaum, Asiae-Autro-Orientalis sa seminaryo ng University of Santo Tomas at tinalakay ang pagtayo ng istasyon ng radio sa pamamahala ng Simbahang Katolika bilang pamamaraan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita at katuruan ng Simbahan sa Silangang bahagi ng Asya at Oceania.

Ika – 11 ng Abril 1969 nang pormal na binuksan ang studio ng Radio Veritas sa Fairview Quezon City sa pangunguna ni His Eminence Antonio Cardinal Samore ang kinatawan ng Vatican katuwang ang noo’y Arsobispo ng Maynila na si Cardinal Rufino Santos.

Binisita naman ng Kan’yang Kabanalan Paul VI ang Radio Veritas noong ika – 29 ng Nobyembre 1970 kung saan binasbasan ang gusali at mga namamahala dito.

BAHAGI NG KASARINLAN SA BAYAN

Sa ilalim ng Batas militar ng administrasyong Marcos, nanindigan ang Radio Veritas sa pamamagitan ng pagpatuloy ng paghahatid ng mga balita sa mamamayan sa kabila ng mga panganib na kinakaharap ng mga mamamahayag.

Ika – 21 ng Agosto 1983 nang matapang na ibinalita ng Radio Veritas ang pagpaslang kay Senador Benigno Aquino Jr. na isa sa kilalang kritiko ng rehimeng Marcos at bukod tanging himpilan na umantabay sa libing ng yumaong senador kung saan milyun-milyong katao ang nakiisa at sumisigaw ng katarungan para sa bayan.

Ika – 22 ng Pebrero 1986, ang pinakamakasaysayang araw sa Pilipinas nang manawagan sa Radio Veritas si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa mamamayan na magtungo sa EDSA upang makiisa at suportahan ang pagkilos laban sa administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at mapigilan ang karahasan.

Katuwang nina Minister of Defense Juan Ponce Enrile at Vice Chief of Staff Fidel Ramos, nagtipon ang mga Filipino sa naganap na EDSA People Power Revolution kung saan payapa ang naganap na pagkilos at naiwasan ang karahasan sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal.

50 – TAON NG PAGLALAKBAY
Kasabay ng pagdiriwang ng ikalimampung anibersaryo, tiniyak ng Radio Veritas 846 ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mamamayan na mahubog at mapalakas ang pananampalataya.

Bukod dito ay pinag-ibayo ng Kapanalig na himpilan ang pagkalap ng mga balita tungkol sa mga usaping panlipunan at tiniyak ang paglaban sa kumakalat na mga fake news sa lipunan sa paghahatid ng mga impormasyong nakabatay sa mga turo at dokumento ng Simbahan.

Bukod dito ay pinalalakas din ng Radio Veritas ang pamamahayag gamit ang makabagong teknolohiya sa pangunguna ng social media kung saan 60 porsyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay aktibo sa paggamit ng internet.

Isasagawa ang pagdiriwang ng limapung taon ng Radio Veritas sa ika-10 ng Abril sa University of Sto.Tomas kung saan unang nagsahimpapawid ang Radyo ng Simbahan.

Ang ikalawang araw ng selebrasyon ay gaganapin sa Radio Veritas Asia studio sa Fairview Quezon City sa ika – 11 ng Abril.

Sa ika-21 naman ng Abril, ang Linggo ng Muling Pagkabuhay gaganapin ang grand anniversary celebration mula ala-una nang hapon sa Radio Veritas Asia sa pamamagitan ng banal na Misang pangungunahan ni Cardinal Tagle.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 18,197 total views

 18,197 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 32,853 total views

 32,853 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,968 total views

 42,968 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 52,545 total views

 52,545 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 72,534 total views

 72,534 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 4,704 total views

 4,704 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 4,754 total views

 4,754 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 4,817 total views

 4,817 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 6,548 total views

 6,548 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 7,019 total views

 7,019 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 7,110 total views

 7,110 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 7,114 total views

 7,114 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 7,145 total views

 7,145 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 8,129 total views

 8,129 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 9,426 total views

 9,426 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 9,457 total views

 9,457 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 10,124 total views

 10,124 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 10,257 total views

 10,257 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 10,726 total views

 10,726 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

RCAM, sisimulan ang Jubilee Year 2025 celebration

 7,035 total views

 7,035 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa November 9, 2024. Tampok sa MAGPAS ngayong buwan ang paghahanda sa Jubilee Year 2025 kung saan nakatuon ang pagtitipon sa katesismo sa pagdiriwang ng buong simbahang katolika. Isasagawa ang MAGPAS sa Pope Pius XII Catholic Center

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top