224 total views
Labis na nagpapasalamat sa loyal Kapanalig members ang pamunuan ng Radio Veritas 846 sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Radyo ng Simbahan.
Ito ang bahagi ng mensahe ni Fr. Anton CT. Pascual, pangulo ng Radio Veritas sa kaniyang talumpati sa ginanap na pagtitipon sa University of Santo Tomas bilang unang yugto ng pagdiriwang.
Ayon kay Fr. Pascual, ang mga Kapanalig member ay kinikilala bilang bayani ng himpilan sa patuloy na pagsuporta sa radyo para sa paghahayag ng katotohanan at mga turo ng simbahan.
Ang Kapanalig Radio community ay itinatag noong 2008 na sa kasalukuyan ay may 50 libo nang aktibong miyembro.
“We would likewise want to thank the listeners, the supporters and the loyal followers whom we now call our kapanalig in Radio Veritas846. To us they are the real heroes, without them Radio Veritas846 would have long signed off.”pagkilala ni Father Pascual.
Tiniyak naman ni Fr. Pascual na patuloy na maninindigan ang Radyo Simbahan bilang tagapagpadaloy ng katotohanan, kaalaman at pagtulong sa kapwa hindi lamang sa pamamagitan ng radyo kun’di maging sa iba pang uri ng mass communications tulad ng social media.
Hinikayat din ng pamunuan ng Radio Veritas ang mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang lahat ng mga naging bahagi para itaguyod ang himpilan ng simbahang katolika.
“Radio Veritas846 will continue to stand for truth, the truth that will set us free. There is an immense power for good and evil in mass media today, we should be aware of that power and do what we can to influence it in the direction of truth and completeness.” Dagdag pa ng Pari.
Taong 1969 nang pasinayaan ang Radio Veritas studio sa Fairview Quezon City ng kinatawan ng Vatican na si Antonio Cardinal Samore at Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos.
Makalipas ang isang taon, binisita naman ang himpilan ni Pope Paul VI.
Naging tanyag din ang Radio Veritas sa malaking bahagi nito sa kasaysayan ng Edsa People Power Bloodless Revolution taong 1986.