132 total views
Ginawaran ng Apostolic blessing ng Kanyang Kabanalan Francisco ang lahat ng bumubuo sa Radio Veritas Asia at Radio Veritas846 kasabay ng pagdiriwang nito ng ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag.
Sa mensaheng ipinadala ng Santo Papa sa pamamagitan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia, ipinanalangin ng Santo Papa na nawa ay mapanibago at lalo pang sumigla sa pamamagitan ng pag-ibig ni Kristo ang pagtupad ng Radio Veritas sa tungkuling pagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.
Hinamon din ni Pope Francis ang Radio Veritas na lalo pang abutin ang puso ng mga nakikinig, ihatid sa bawat isa ang pag-ibig ng Panginoon, at ipabatid ang kagalakan, pag-asa, kalungkutan at pagkabalisang dinaranas ng mga mahihirap upang magtulong-tulong sa pagbuo ng makatarungan at nagkakaisang lipunan.
“His Holiness prays that you may all be renewed in your love of Christ and in turn, revitalized your commitment to echo the teachings of Christ, to raise the hearts of the listeners to the God of love and truth. To meet among them bonds of evangelical love, to make them conscious of the joys and hope, grief and anxieties, the people of this age specially those who are poor, and to help them undertake the building of a more just and united society.” Mensahe ni Pope Francis sa pamamagitan ni Abp. Caccia.
LISTENERS OF THE WORD
Samantala, sa personal na mensahe ni Abp. Caccia, inihalintulad nito ang pakikinig sa salita ng Diyos sa pakikinig sa Radyo Veritas at sa katotohanan.
Sinabi ng Papal Nuncio na kung hindi natin pakikinggan ang mga salita ni Hesus ay hindi magiging kaugnay ng ating buhay sa katotohanang makapagpapalaya sa bawat tao.
Dahil dito, isang paalala ang Golden Jubilee ng Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846 sa misyon ng ebanghelisasyon na maipapalaganap sa pamamagitan ng pagkakaisa, at pakikinig sa salita ng Diyos.
“If Jesus is the word of God, we have to listen to Him and you can’t watch the radio but you can listen to the radio and it reminds us that we are always listener of the word, if we don’t listen to the word with Jesus we are not based in the truth and we are not free. So in this Golden Jubilee, always remember and build on the spirit of mission on the method of unity and always listening to the voice of God that speaks in Jesus, in the scriptures.” Dagdag pa ng Arsobispo.
THE TRUTH WILL SET US FREE
Binigyang diin naman ng kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle sa kan’yang pagninilay na tanging katotohanan lamang ang makapagpapalaya sa bawat tao mula sa kamangmangan.
Inihayag ni Cardinal Tagle na hindi dapat manatiling nakakubli ang katotohanan dahil sa pamamagitan nito ay maibabahagi ang kabutihan at pagpapahalagang nagmumula sa salita ng Diyos.
Dagdag pa nito, kung ilalarawan sa isang salita ang misyon ng Panginoong Hesus, ito ay ang pag-akay sa bawat tao patungo sa katotohanan na magpapalaya sa bawat isa.
“The truth must not be kept but shared so that the darkness of ignorance, what they call in the document illiteracy, may be wiped out and that values coming from the word of God may be shared by Christians all over Asia… Jesus said in the Gospel, if there is one possible description of His mission it is to lead us to the truth, for the truth will set us free… for Him truth is found in the word that He conveys.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.
Matatandaang ika-11 ng Abril 1969, sumahimpapawid sa kauna-unahang pagkakataon ang Radio Veritas sa Pilipinas.
Nakilala naman ang himpilan dahil sa natatanging ambag nito sa pagpapahayag ng katotohanan noong panahon ng Edsa People Power Bloodless Revolution taong 1986.