234 total views
Ito ang hamon ni Davao Archbishop Romulo Valles – Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa paggunita ng mahal na araw at pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesukristo.
Ipinagdarasal ng Arsobispo na sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw sa paghihirap, kamatayan at pagkabuhay ni Hesus ay mapanibagong muli ang pananampalataya ng bawat katoliko.
Sinabi ni Archbishop Valles na na kinakailangang maging seryoso at taos-puso ang pagninilay at paggunita ng mga mananampalataya sa mahahalagang yugto ng buhay ni Hesus upang kasabay ng pagkabuhay ng Panginoon ay ang pagpapanibago ng ating pananampalataya.
“Rediscover again the gift of baptism. Kumusta na ang ating pagka-baptized sons and daughters of God, so that when we kind of rediscover, we enter into the special days of the Easter Triduum, meaning the annual recalling and prayer of the passion and death of our Lord and His resurrection, we’ll be renewed talaga in faith and in ourselves. So pay attention and be serious, be sincere in going through the prayers and rights of lent and also during the Easter triduum.” pahayag ni Abp. Valles sa Radyo Veritas.
Samantala, binigyang diin naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines Abp. Gabriele Giordano Caccia na ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon ang pinaka mahalagang yugto sa liturgical year ng simbahan.
Ayon sa Arsobispo, dito matatagpuang muli ang tunay na pinagmulan o ang ugat ng ating pananampalataya at ang kagalakang naidudulot ng pagiging alagad ni Hesus na nakikiisa sa kayang pagpapakasakit, pagkamatay at pagkabuhay.
“It’s the one of the most important time in the liturgical year, and I wish, all the people here could found again all the roots of their deep faith and rejoice of having [been] called to be disciples of Jesus during the time of the sufferings of the cross but always with the hope and certainty of the resurrection.” Pahayag ni Abp Caccia sa Radyo Veritas.
Sa ika-14 ng Abril, Linggo ng Palaspas, magsisimula ang paggunita sa mga mahal na araw.
Makikiisa dito ang 86 porsyento ng mga Filipinong Katoliko na katumbas ng mahigit sa 80 milyong mananampalataya sa Pilipinas.