Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buhay ng tao, napakahalaga sa Diyos kaysa kayamanan at kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

 294 total views

Higit tayong mahalaga sa mata ng Diyos.

Ito ang paalala ng Kan’yang Kabunyian Luis Antonio Kardinal Tagle sa misang ginanap sa Parola 58 sa Binondo Manila nitong Miyerkules Santo.

Sa homilya ng Arsobispo ng Maynila, binigyang diin nitong walang katumbas na halaga ng salapi ang buhay ng tao sapagkat ito ay biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat isa.

“Ang halaga ng tao, ng kanyang buhay bilang galing sa Diyos ay hindi nababayaran ng anumang bagay,” bahagi ng homiliya ng Kardinal.

Inihalintulad ni Kardinal Tagle ang karanasan ni Hesus na ipinagkanulo ni Judas Iscariote kapalit ang tatlumpong pilak dahilan upang dakpin ng mga kaaway.

Hinamon ni Cardinal Tagle ang bawat mananampalataya na laging alalahanin ang mga sugat na natamo ni Hesus nang ipako ito sa krus dahil sa pagkakanulo kapalit ang salapi at kayamanan.

Sinabi ng Kardinal na kung hindi masusupil ang pagpapahalaga ng tao sa salapi ay mararanasan ng bawat isa ang karanasan ni Hesus.

“Kung nagawa yan sa anak ng Diyos, kayang kaya gawin yan sa mga katulad natin,” ani ng Kardinal.

Binigyang diin ng Kardinal na dapat masasaktan ang bawat taong tinatanong kung magkano ang halaga nito sapagkat hindi ito ikinalulugod ng Panginoon.

Hinimok ng pinunong pastol ng Maynila ang bawat isang dumalo sa Misa na higit na pahalagahan ang buhay na siyang tunay na kayamanan.

“Ang ating kayamanan ay ang ating pagkatao, ang ating buhay pamilya at dangal ng ating mga anak. ‘Yan ang tunay na kayamanan na hindi napepresyuhan.” Ayon kay Kardinal Tagle.

HUWAG IPAGBILI ANG BOTO

Una nang ipinaalala ng mga lider ng Simbahang Katolika sa mahigit 60 milyong botante sa bansa na makiisa sa pagpanatiling maayos at malinis ng halalan sa pamamagitan ng hindi pagbebenta ng boto.

Mariing tinututulan ng Simbahan at ng iba’t ibang grupo ang talamak na vote buying tuwing halalan na kadalasang pinag uugatan ng katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.

Pinaalalahanan ang bawat botante na piliin ang mga kandidatong may tunay na hangaring maglingkod sa bayan na walang kapalit na anumang halaga at hindi yaong maglilingkod para sa personal na interes.

Sa ika 13 ng Mayo gaganapin ang halalan para punan ang higit sa 18, 000 posisyon sa national at local government sa Pilipinas.

Samantala, ito ang ikalawang pagkakataon na nagdiwang ng Banal na Misa si Kardinal Tagle sa Parola 58 makaraang nasunog ang buong lugar noong 2015.

Sa pagtatapos ng homiliya ni Kardinal Tagle, inihabilin nito sa bawat nakikinig na tularan ang pagsisi at pagbabalik loob ni Judas Iscariote nang mapagnilayan ang pagkakamaling nagawa.

“Tularan ang pagbabalik loob ni Judas Iscariote. May pag asa tayo, magbalik loob, at suriin mabuti ang sarili. Ako ay may dangal, ako ay regalo ng Diyos.” saad ni Kardinal Tagle.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 20,218 total views

 20,218 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 34,874 total views

 34,874 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 44,989 total views

 44,989 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 54,566 total views

 54,566 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 74,555 total views

 74,555 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Pagkakaisa ng mananampalataya sa Diocese of San Pablo, panalangin ni Bishop Maralit

 247 total views

 247 total views Umaasa si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. na magbuklod ang pamayanan ng Laguna para sa pag-unlad ng pananampalataya. Ito ang pahayag ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis nitong November 21 sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa St. Paul the First Hermit Cathedral.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 4,953 total views

 4,953 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 5,003 total views

 5,003 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 5,066 total views

 5,066 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 6,797 total views

 6,797 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 7,268 total views

 7,268 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 7,359 total views

 7,359 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 7,363 total views

 7,363 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 7,394 total views

 7,394 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 8,378 total views

 8,378 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 9,675 total views

 9,675 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 9,706 total views

 9,706 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 10,373 total views

 10,373 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 10,506 total views

 10,506 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 10,765 total views

 10,765 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top