392 total views
Simula ng panibagong mundo na malaya mula sa kasalanan, pagka-alipin at kamatayan.
Ito ang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay ayon sa pagninilay ng kanyang kabanalan Francisco sa Easter Sunday mass Urbi et Orbi bilang mensahe at pagbabasbas.
“Easter is the beginning of a new world, set free from the slavery of sin and death: the world open at last to the kingdom of god, a kingdom of love, peace and fraternity,” ayon pa sa mensahe ni Pope Francis.
Ayon sa Santo Papa, ang tagumpay ni Hesus mula sa krus at pagtawid mula sa kamatayan at kasalanan ang siyang nagbukas para sa lahat sa kaharian ng Diyos kung saan naghahari ang pagmamahal, kapayapaan at kapatiran.
Binigyan diin din ng Santo Papa na kailanman ay hindi tayo iniwan ng diyos lalu na sa panahon ng pighati at paghihirap kungdi kasamang nakikilakbay.
Ayon naman sa mensahe ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang muling pagkabuhay ni Hesus naawa ay maging daan ng bawat isa na tupdin ang misyon bilang mga tagasunod ni Hesus nang walang takot.
“Resurrection is the feast of all feasts. It gave courage to men and women who followed Jesus even on the cross… and they went to the tomb early morning without fear. May His resurrection gave us courage too to stand up and defend our rights,” ayon kay Archbishop Jumoad.
Mapagtatagumpayan ang mga hamon sa buhay kasabay ng muling pagkabuhay ng panginoong Hesukristo ang mensahe ni naman ni Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos.
“Jesus is risen. He reigns. Jesus is victorious over sin and deaths. And likewise we will triumph against all evil, against all trials in life. The good news is: the Lord is raised up. Don’t be afraid of threats. Hold to Jesus. Be firm with our Catholic Church and be faithful to God, we will also rise up. Thanks and a blessed Easter,” mensahe ni Bishop Santos.
Umaasa si Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc na ang pagdiriwang ng muling pagkabuhay ni Hesus ay magbunsod sa bawat mananampalataya na pagtagumpayan ang kasamaan nang pagmamamahal, habag at kapakumbabaan.
“Hopefully, there will be sustained sacrifice for the renewing and informing of voters that will lead to new elected public servants. May the power of the resurrection make both the powerless and powerful exclaim. Truly, he is the Son of God,” bahagi naman ng mensahe ni Bishop Dimoc.
Ika- 21 ng Abril nang ipagdiwang ng higit 1.3 bilyong katoliko sa buong mundo ang Linggo ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon na masayang sinalubong ng higit 80-milyong katoliko sa Pilipinas.