3,116 total views
Ito ang panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kapwa Pari matapos ang malakas na magnitude 6.1 na lindol na yumanig sa rehiyon ng Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Hinimok ni Cardinal Tagle ang mga Pari na tingnan kung may mga naapektuhan residente at inilikas sa mga komunidad na nangangailangan ng kagyat na tulong.
“Please see if some people in your area were hurt or displaced, so they could be attended to.” mensahe ni Cardinal Tagle na ipinadala sa Radio Veritas
Nananawagan din si Cardinal Tagle sa mga Rector ng Simbahan at pamunuan ng mga paaralan na suriin ang kanilang mga gusali at tiyakin ang kaligtasan ng mga kawani at mga mag-aaral.
“Please check also the parish church, rectory, pastoral halls and schools for possible cracks or damage, so appropriate action could be taken.” mensahe ni Cardinal Tagle
Ipinagdarasal din ni Cardinal Tagle ang kaligtasan ng lahat.
The procedures taught at earthquake drills should be reviewed with the community. We pray for the safety of all,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle.
Hinihiling din ni Cardinal Tagle ang muling pagsasanay o ‘earthquake drill’ sakaling muling magkaroon ng pagyanig.
Sa Archdiocese of Manila ay may higit 86 na parokya, at nakakasako sa 38 primary at secondary catholic schools.
Base sa Damay Kapanalig update, higit na naapektuhan ang lalawigan ng Pampanga kung saan dalawang lumang simbahan ang nasira – ang 17th at 19th century church ng St. Augustine sa Lubao at Santa Catalina de Alexandria sa Porac.
Nabatid sa nakalap na ulat ng Damay Kapanalig mula sa Social Action Center ng Archdiocese of San Fernando Pampanga na nagkaroon ng crack o lamat sa anim na Simbahan,cathedral at shrine sa Angeles,Sta.Rita, Guagua at Betis sa Pampanga.
From San Fernando Pampanga SAC
We’re safe. 2 churches, Lubao and Porac suffered major damages. 6 churches, cathedral at Angeles, Apu Shrine, Sta. Rita, Guagua and Betis, reported to have cracks in the buildings. Chuzon supermarket in Porac collapsed trapping some people. LGUs are doing their work naman.Thank you”.
Iniulat naman ni Father Tony Bernaldo, ang DRRM Priest-in-Charge ng Diocese of Balanga Bataan na natuklap ang flooring ng St.Peter of Verona Parish church sa Hermosa Bataan.
Inihayag ni Father Bernaldo sa Damay Kapanalig ng Radio Veritas na nagkaroon din ng crack sa gusali ng kanyang Parokya na Shrine of the Divine Mercy sa Balanga, Bataan.
Father Tony Bernaldo
“Totoong malakas at inabutan ako sa simbahan bago magmisa. So far ang nabalitaan ko ay sa simbahan ng Hermosa na nahulog ang Patron na si San Pedro Verona mula sa retablo pero di naman nasira kaya lang ang flooring ng simbahan ay natuklap. Doon sa Divine Mercy ang parish ko ay nagkaroon ng crack ang wall na sacristy.” mensahe ni Father Bernaldo sa Damay Kapanalig.
May sampu katao na rin ang bilang ng nasawi dahil sa pagguho ng mga pader at isang mall sa Pampanga.