169 total views
Buo ang tiwala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sa muling pagkabuhay ng panginoong Hesus ay magkaroon ng pag-asa ng bagong buhay ang mga biktima, ang pamilya ng mga biktima, ang Simbahan at mamamayan ng Sri Lanka matapos ang madugong pambobomba sa nasabing bansa.
“On the day they were celebrating the joy of the resurrection, they became victims of the darkness of evil, but in the light of the resurrection, we are filled with hope of new life for the victims, for the families, for the church and the people of Sri Lanka.” mensahe ni Cardinal Tagle
Nananawagan naman ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Epsicopal Commission on Migrants and Itinerant People sa sambayanang Filipino na ipagdasal ang Sri Lanka matapos ang sunod-sunod na Easter terror attack.
Iginiit ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos na ang karahasan at kaguluhan ay nagbubunga ng mga mali at mapanlinlang na mga ideolohiya.
Read: Ipanalangin ang Sri Lanka, panawagan ng Obispo
Nagpaabot naman ng panalangin at pakikidalamhati ang Aid to the Church in Need (ACN) Philippines sa mga biktima ng magkakahiwalay na pagsabog sa Sri Lanka na kumitil sa buhay ng mahigit sa 200-katao.
Ayon kay ACN Philippines National Director Jonathan Luciano, isang karuwagan ang pagpapalaganap ng karahasan at takot na tanging bumibiktima ng mga inosente.
Read: ACN Phils nakikiisa sa biktima ng pagsabog sa Sri Lanka