Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang dangal ng paggawa

SHARE THE TRUTH

 464 total views

Mga Kapanalig, ngayong Araw ng Paggawa o Labor Day, muling binibigyan ng atensyon ang kalagayan ng mga manggagawa, at sa pangkalahatan, marami pa ring hamon ang kanilang kinakaharap.

Sa ating bayan, patuloy ang mga panawagang itaas ang sahod ng mga empleyado sa gitna ng mataas pa ring halaga ng mga bilihin at serbisyo. Bagamat nakinabang ang maraming manggagawa sa TRAIN dahil itinaas nito ang halaga ng sahod na pinapatawan ng buwis kaya’t may mga na-exempt sa pagbabayad ng income tax, hindi naman ito nagdulot ng positibong pagbabago sa mga minimum wage earners na exempted naman na sa pagbabayad ng buwis na ito. Sa katunayan, dehado pa nga ang mga sumasahod nang minimum dahil wala na ngang nadagdag sa kanilang naiuuwi para sa kanilang pamilya, mas nabawasan pa ito dahil sa tumaas nilang gastusin. Paano pa kaya ang mga manggagawang nasa impormal na sektor ng ekonomiya? Nagtatrabaho rin sila ngunit wala namang mga benepisyong katulad ng natatanggap ng mga nasa pormal na sektor ng paggawa.

Nariyan pa rin ang isyu ng contractualization, lalo na ang isang porma nitong kung tawagin ay “endo” o end of contract. Ang mga endo ay may trabaho lamang nang ilang buwan at walang kasiguruhan kung makakukuha sila agad ng trabaho pagkatapos mapasô ang kanilang kontrata. Matatandaang naglabas ng executive order noong isang taon si Pangulong Duterte bilang pagtupad daw sa pangako niyang tutuldukan ang contractualization, ngunit wala naman daw itong halaga para sa mga kilusang manggagawa dahil inuulit lamang nito ang mga ipinagbabawal na ng batas.

At sa pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa Pilipinas, partikular na ang mga mula sa China, sinasabing naagawan daw ng trabaho ang mga Pilipino. Sa isang pagdinig ng Senado noong Nobyembre ng nakaraang taon, inamin ng mga opisyal ng Bureau of Immigration na napakarami ngang Tsino ang nabigyan ng special working permit upang makapagtrabaho rito bilang construction workers o mga kahera, mga trabahong kayang-kaya namang gampanan ng mga kababayan nating naghahanap ng trabaho. Nagsulputan din ang mga negosyo ng mga Tsino sa bansa, at ilan sa mga ito ay mga kapwa-Tsino rin ang kinukuhang manggagawa. Halibawa, sa industriya ng Philippine-based offshore gaming operations o POGO at iba pang negosyong nangangailangan ng mga trabahador na marunong magsalita ng Mandarin, tinatayang aabot sa 250,000 na manggagawang Tsino ang narito sa bansa.

Malinaw ang nakasaad sa ating Saligang Batas: “Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at ‘di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat.” Dagdag pa rito, “Dapat magtaguyod ang Estado ng makiling na paggamit ng paggawang Pilipino”, ibig sabihin, mga Pilipino dapat ang unang makinabang sa mga oportunidad sa pagtatrabaho sa sarili nilang bayan.

Kung sapat ang pagtutok ng pamahalaan sa paghikayat ng mga mamumuhunang makapagbibigay ng pangmatagalang trabaho at disenteng hanapbuhay sa mga Pilipino, hindi na siguro pipiliin ng mga kababayan nating makipagsapalaran sa ibang bansa upang makapagtrabaho lamang. May mga hindi na mangangailangang maghanap na dagdag na trabaho para lamang punan ang kakulangan sa kanilang maliit na sinasahod. May mga hindi na kakapit sa patalim para lamang may maipambili ng pagkain para sa kanilang pamilya. Hindi siguro aabot sa halos 10 milyong Pilipino, ayon na rin sa SWS, ang walang trabaho.

Mga Kapanalig, gaya ng itinuturo sa atin ng Catholic social teaching na Laborem Exercens, mabuti para sa tao ang gumawa dahil hindi lamang nito pinayayabong at pinayayaman ang mundong ipinagkaloob ng Diyos, natutupad niya ang kanyang pagiging tao at sa ganitong paraan, higit siyang nagiging tao. Samakatuwid, ang kawalan ng trabaho ay paglabag sa dignidad ng tao.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 55,674 total views

 55,674 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 66,749 total views

 66,749 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 73,082 total views

 73,082 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 77,696 total views

 77,696 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 79,257 total views

 79,257 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 55,675 total views

 55,675 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 66,750 total views

 66,750 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 73,083 total views

 73,083 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 77,697 total views

 77,697 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 79,258 total views

 79,258 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 45,014 total views

 45,014 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 67,675 total views

 67,675 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 73,251 total views

 73,251 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 78,732 total views

 78,732 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 89,845 total views

 89,845 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 85,844 total views

 85,844 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 73,546 total views

 73,546 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 82,028 total views

 82,028 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 75,087 total views

 75,087 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 82,011 total views

 82,011 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top