397 total views
Pormal na oordinahan si Bishop-Elect Fidelis Layog bilang bagong Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan ngayong ika-8 ng Mayo, alas nuebe ng umaga sa St. John the Evangelist Cathedral sa Pangasinan.
Aminado si Bishop Layog na malaking hamon ang kanyang kahaharapin bilang pastol at taga-pagturo sa mga mananampalataya.
Dahil dito, binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng pananalangin lalo na’t humaharap sa mabilis na pagbabago ng panahon at sa maraming suliranin ang kasalukuyang lipunan.
Inilahad ni Bishop Layog na matagal nang sinusubok ang katatagan ng simbahan at nagpapatuloy ang mga pagsubok na ito hanggang sa kasalukuyan.
Gayunman, iginiit ng Obispo na na mahalagang ituring na biyaya ang mga pagsubok dahil tumutulong ito upang mapabuti at mapabanal ang simbahan.
“Siguro these are the challenges na dapat nating tanggapin o harapin because it leads us to a better perspective of what we are doing, hindi lang siguro yung mga church leaders, much more bilang isang simbahan, leaders kasama na ang mga tao. It leads us to a deeper relationship with God, a deeper prayer life kung saan maraming problema, maraming challenges, the more we should find ourselves in prayer asking for God’s help.” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas
Naninindigan si Bishop Layog na hindi dapat matakot ang mga pari, relihiyoso, relihiyosa at ang mga kapwa niya Obispo sa mga banta sa kanilang buhay, dahil ito ang mga pagkakataong naipakikita ng simbahan ang kanyang katatagan sa kabila ng mga pang-uusig.
“Being threatened and attacked, it has been the experience of the Catholic Church in the very beginning na nagturo ang mga apostoles tungkol kay Kristo. Buhay na ng simbahan yan ever since, kaya we have to really fear in a way na nasasaktan tayo pero, alam nating may kasama tayo, [and] in the end Diyos pa rin ang mananaig.” Dagdag pa ng Obispo
Si Bishop-elect Layog ang ika-30 Obispo na itinalaga ni Pope Francis para sa Simbahang Katolika sa Pilipinas simula taong 2013.
Sa taong 2019, limang bagong Obispo ang itinalaga ni Pope Francis para mangasiwa sa mga Diyosesis na ‘Sede Vacante”.
Bukod kay Bishop Maceda, kabilang sa mga itinalagang Obispo sina Bishop Fidelis Layog nilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan, Bishop Cosme Almedilla at Bishop Leo Dalmao.
Mula sa 86 Diyosesis at Arkidiyosesis sa bansa, may lima pang Diyosesis sa Pilipinas ang “Sede Vacante” o walang nangangasiwang Obispo na kinabibilangan ng Apostolic Vicariate of Jolo Sulu, Diocese of Iligan, Diocese of Malolos, Apostolic Vicariate of San Jose Occidental Mindoro at Taytay Palawan.