Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dangal ng pagboto

SHARE THE TRUTH

 1,551 total views

Mga Kapanalig, hindi naging malinis ang nakaraang halalan.

Hindi ito dahil nagkaroon ng malawakang dayaan, kundi dahil naging laganap at lantaran ang pagbili ng boto, lalo na ng mga lokal na kandidato. Nakapagtala ang Comelec ng hindi bababa sa 30 kaso ng vote-buying sa buong bansa, habang nakahuli ang PNP ng mahigit 170 kataong namili umano ng boto. Lubhang mababa ang mga bilang na ito dahil maraming kaso ang hindi na nai-report sa Comelec at PNP.

Malinaw sa Omnibus Election Code na bawal ang pagbili at pagbenta ng boto. At hindi lamang mga kandidato ang saklaw ng pagbabawal na ito. Sinasabi sa batas na “any person” o sinumang nagbibigay, nag-aalok, o nangangako ng pera o anumang may halaga, pati mga pangako ng trabaho o pabor, upang udyukan ang mga taong bumoto para sa isang kandidato o laban sa isang kandidato ay gumagawa na ng vote-buying. Ibig sabihin, hindi kailangang ang kandidato ang mismong nag-aabot ng pera o nagbibigay ng pabor. At wala ring sinasabi sa batas kung magkano ang dapat na halaga ng pera o pabor na ibibigay sa isang botante para masabing vote-buying ang kaso—sanlibong piso man yan o sampung piso, vote-buying na iyon. At ang pagtanggap ng mga ito—o vote-selling—ay labag din sa batas. Election offense din ang pagbibigay at pagtanggap ng pamasahe, pagkain, at iba pang bagay na may halaga limang oras bago at pagkatapos ng isang public meeting bago ang araw ng halalan at sa mismong araw ng halalan. Kung magiging istrikto tayo sa pagpapatupad ng batas, tiyak na marami ang guilty at mapapatawan ng parusa.

Ngunit sa lahat ng taong dapat nakauunawa ng batas at tumitiyak na napoprotektahan ang mga botante laban sa mga mapagsamantalang mga pulitiko, mismong si Pangulong Duterte pa ang nagsabing walang problema sa vote-buying. Paliwanag ng pangulo, “integral part” o hindi maihihiwalay na bahagi ng halalan sa bansa ang pamimili ng boto, at “walang hindi nagbibili ng boto.” Kalakaran na raw ng mga kandidato ang gastusan ang pamasahe ng mga botante at ang pagkain ng mga nangangampanya para sa kanila. Ano ang tingin ninyo rito, mga Kapanalig?

Dahil sa naging laganap at lantaran nga ang vote-buying nitong nakaraang halalan, hindi mahirap sang-ayunan ang sinabi ni Bishop Gerardo Alminaza ng Diyosesis ng San Carlos. Aniya, sa pamimili nila ng boto, sadya yatang ayaw ng mga pulitiko na iangat mula sa kahirapan ang mga tao upang lagi nila silang makontrol. Kaya naman, duda si Bishop Alminaza kung tunay ngang naging malaya ang nakaraang eleksyon at kung boses nga ba ng mamamayan ang sinasalamin ng naging resulta ng botohan.

Maliban sa dapat aksyunan ng mga tagapagpatupad ng batas ang mga ulat tungkol sa vote-buying, nakasalalay sa ating mga botante kung tutuldukan natin ang hindi matibag-tibag na kultura ng vote-buying at vote-selling. Tunay ngang mahirap ito lalo na’t marami sa ating mga kababayan ang tumatanggap ng pera hindi lamang dahil hindi nila alam ang batas kundi dahil pinaiiral nila ang kanilang pagiging praktikal. May nangangatwirang pambili rin ng pagkain ang isangdaan, limandaan, o sanlibong pisong iaabot sa kanila ng mga kandidato. Alam nating mali ang ganitong pangangatwiran, ngunit kailangan tayong maghain ng alternatibong pananaw upang mabago ang kalakarang ito. Magsisimula ito sa pag-udyok sa kapwa nating bumoto ayon sa kanilang konsiyensya at ipaglaban ang danagl ng kanilang boto. Ngunit sapat na nga ba iyon?

Mga Kapanalig, hindi dahil “integral part” na ng halalan ang vote-buying ay dapat na natin itong hayaang magpatuloy. Sa maliit na paraan, simulan natin ang pagbasag sa kulturang ito sa ating pamilya at pamayanan, at baka naman sa susunod na eleksyon, tunay na boses ng mamamayan ang maririnig.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 68,116 total views

 68,116 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 118,679 total views

 118,679 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 63,179 total views

 63,179 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 123,858 total views

 123,858 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 104,053 total views

 104,053 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunnel of friendship

 68,117 total views

 68,117 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Teenage pregnancy

 118,680 total views

 118,680 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 123,859 total views

 123,859 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 104,054 total views

 104,054 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dugo sa kamay ng mga pulis

 48,699 total views

 48,699 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Same pattern” kapag may kalamidad

 57,380 total views

 57,380 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 72,142 total views

 72,142 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 79,257 total views

 79,257 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 53,387 total views

 53,387 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 53,159 total views

 53,159 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 52,860 total views

 52,860 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 45,194 total views

 45,194 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 84,774 total views

 84,774 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 92,328 total views

 92,328 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 88,211 total views

 88,211 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top