263 total views
Nakiisa ang Kaniyang Kabanalan Francisco kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa panalangin kaugnay sa mga hamong kinakaharap sa paglilingkod sa kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.
Sa social media post ng Obispo, sinabi nitong ipinadama ng Pinunong Pastol ng Simbahang Katolika ang tunay na pagmamahal at pagmalasakit sa kapwa lingkod ng Simbahan na dumaranas sa mga pagsubok.
“I was surprised when he [Pope Francis] interrupted me in the middle of my sentence and said, “I want you to know that I know your situation; I know what you are going through. I am praying for you. Please continue.” pagbabahagi ni Bishop David.
Ito ang tugon ni Pope Francis nang magkaroon ng pagkakataon si Bishop David na magtanong subalit sa halip na magpaabot ng mga katanungan, hiniling lamang ng Obispo ang pananalangin para sa kanyang ginagampanang tungkulin.
“I was ready to step out already when he [Pope Francis] held my arm and said, “Wait. Please let me give you a special blessing. I want you to know I am with you as you face trials in your ministry in your diocese.” Then he [Pope Francis] extended his right hand to pray over me,” ayon sa Obispo.
Ibinahagi pa ng Obispo na pinagtibay ni Pope Francis ang maalab na pananampalataya at tiniyak ang pananalangin.
“He [Pope Francis] said, “May the Lord keep within you the heart of the Good Shepherd.” Then he pulled me to himself to give me a warm paternal embrace, pressing his head against mine, and brushing his hand gently on my back as he whispered into my ears, “Courage!,” dagdag pa dito.
Lubos ang pasasalamat ni Bishop David sa ipinakitang suporta ni Pope Francis kung saan sa pamamagitan ng yakap nito ay naramdaman ang presensya ni San Pedro ang unang Santo Papa ng Simbahang Katolika at ang apostol na pinagkatiwalaan ni Hesus sa sanlibutan.
Magugunitang napaulat noon na nakatanggap ng banta sa buhay si Bishop David na siya ring Vice President ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines dahil sa pagpuna ng sunod-sunod na krimen sa lipunan partikular sa kanyang pinamamahalaang Diyosesis na kadalasan ay sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Nadama rin ni Bishop David at ng 30 mga Obispo ang kababaang loob ng Santo Papa sapagkat nakakasalamuha ito ng bawat isang dumalo sa pagpupulong.
Paglalarawan pa nitong taliwas sa mga naunang ‘Ad Limina Visit’ hindi na nakadepende sa hierarchy ang pagkasunod-sunod ng mga upuan ng Obispo kundi malaya itong makapamimili tanda ng pagkakaisa at mababang kalooban ng Santo Papa.