163 total views
Pinaalalahanan ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga health care professionals, o mga doktor, nurse at iba pang nangangalaga sa mga may sakit na alagaan din ang kanilang mga sarili.
Bilang tugon, inilunsad ng Camillians Philippines, Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, UNILAB at Daughters of St. Camillus ang programang Kalinga.
Layunin nito na bigyang pagpapahalaga at ipadama rin ang pag-aalaga sa mga taong maituturing na mga bayani dahil sa pag-aalay ng panahon, lakas at pagmamahal sa mga may karamdaman.
Bukod sa pangangalagang pisikal, tumulong naman sa pangangalaga ng espirituwalidad sina Fr. Dan Cancino, MI – Executive Secretary ng CBCP ECHC, kasama ang iba pang pari ng Camillian.
“It was indeed a start to highlight our silent heroes for the sick.” pahayag sa Facebook Page ng Camillians Philippines
Noong ika-24 hanggang 25 ng Mayo, unang isinagawa ang Kalinga Visayas program sa Cebu City.
55 mga pari, madre at religious brothers na nagmula sa 21 mga kongregasyon ang nakiisa kasama ang 247 nagmula naman sa mga Non-government Organizations.