201 total views
Ito ang panawagan ni Apostolic Vicar ng Puerto Princesa, Palawan Bishop Pedro Arigo sa papasok na administrasyon matapos nitong ilatag ang sampung pangunahing plano nito sa ekonomiya.
Ayon kay Bishop Arigo, kabalintunaan ang sinasabi ng papaalis na administrasyon na mabilis ang paglago ng ekonomiya ngunit mabagal namang naipapa – abot ang serbisyong kinakailangan ng taumbayan.
“Bagamat itong nakaraang administrasyon talagang may sinasabi na fast yung economic growth. Again kung hindi talaga magkakaroon ng medyo radical reform ang labas niyan ay exlusive hindi inclusive. Yun ang malimit na comment dito sa mga policies nitong previous administration and apparently para bang from the looks parang ipagpapatuloy din lang yun ng incoming administration”.pahayag ni Bishop Arigo sa panayam ng Veritas Patrol
Inihayag ni Bishop Arigo kahalagahan na mas bilisan pa ng pamahalaan ang pagbibigay ng sapat na benepisyo at serbisyo sa mga mahihirap lalu na kanayunan.
“Kasi ang problema talaga natin diyan ay kung papaano yung tinatawag nating growth hindi lang magti – trickledown sa ibaba kung hindi mabilis yung benefits na matatanggap ng nga poor. Kaya kailangan medyo mas malalim mas radikal na reporma sa ekonomya,” giit pa ni Bishop Arigo sa Radyo Veritas.
Naitala naman ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taong 2016.
Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority o PSA, umabot sa 6.9 porsyento ang economic growth ng bansa ang pinakamataas na paglago ng ekonomiya mula noong taong 2013.
Nauna na ring sinabi ng kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang talumpati sa World Economic Forum na dapat tulungan at bigyang prayoridad ang mga mahihirap na maiangat ang kanilang antas ng pamumuhay.(Romeo Ojero)