224 total views
Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mag-aaral na hilingin ang patnubay ng Espiritu Santo sa pagsisimula ng academic at formation year ng San Carlos seminary.
Ito ang panawagan ni Cardinal Tagle sa pinangunahang Holy Spirit mass.
Binigyang diin ng Kardinal na mahalagang hingin ang patnubay ng Espiritu Santo sa pagsisimula ng taon upang ito ang manguna sa paghuhubog sa mga seminarista.
Iginiit ni Cardinal Tagle na hindi sa pamamagitan ng mga guro o formators mahuhubog ang katauhan ni Hesus sa mga mag-aaral kundi sa pamamagitan lamang ng Banal na Espiritu.
“God forms us continuously even after ordination or even after the seminary life. It was the Holy Spirit that formed the human Jesus in the womb, only the Holy Spirit can form Christ in others.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Dahil ditto, umaasa ang kardinal na sa panibagong taon ng pag-aaral ng mga seminarista ay magsilbing inspirayon ang nabuhay na panginoon sa bawat isa.
Ipinagdarasal ng Kardinal na mamutawi at masalamin nawa sa bawat salita at kilos ng mga seminarista ang Panginoong Hesus, sa tulong ng Espiritu Santo.
“Hopefully the Holy Spirit will form in us persons who will speak and speak only Jesus Christ. In our formation guided by the holy spirit our horizon changes. Do not be afraid the risen Lord promises to keep us the Holy Spirit, to renew us, to recreate us. The work of the Holy Spirit is to form Jesus in us, so that when we open our hearts we would only be inspired by the Holy Spirit to say and pray the marvel he has done.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle
Sa kasalukuyan mayroon nang mahigit 170 ang mga seminarista sa San Carlos Seminary, habang mayroon namang 30 mula sa Lorenzo Mission Institute.