175 total views
Pinaalalahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang mga Overseas Filipino Worker sa Hong Kong na maging maingat upang makaiwas sa sakuna.
Ito ang mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, ang pinuno ng Komisyon kaugnay sa nagaganap na kaguluhan sa lugar dahil sa extradition bill.
Ayon kay Bishop Santos, dapat unahin ng mga OFW ang kanilang kaligtasan.
“We remind our OFWs in Hongkong to think first of their safety and security. Avoid anything that will endanger their lives or jeopardise their works there,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Nakiusap ang Obispo sa halos 200 libong OFW sa HongKong na sumunod sa mga ipinag-uutos ng konsulado ng Pilipinas at iwasan ang paglabag sa mga batas.
Sumiklab ang kaguluhan sa mga lansangan ng Hong Kong dahil sa pagtutol ng mamamayan sa extradition bill na magbibigay kapangyarihan sa China sa pagpaparusa sa mga nagkakasala sa lugar.
Nasasaad sa batas, dadalhin sa Beijing China ang mga taong mahuhuling lumabag sa batas ng Hong Kong kung saan pinangangambahan ng mamamayan ang malawakang pang-aabuso sa karapatang pantao.
“Please always follow the guidelines of our Philippine consulate there, and respect always the existing rules and regulations,” ani ni Bishop Santos.
Umaasa ang Obispo na maayos ang anumang hindi pag-uunawaan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan ng Hong Kong at manaig ang kapayapaan.
“As we are concern with the welfare of our OFWs in Hongkong and pray for their safety, we also offer our holy masses and hope for a peaceful solution and harmonious relationship among those involved,” saad ng Obispo.
Bukod dito ay nag-alay ng panalangin si Bishop Santos para sa mga apektadong residente lalo’t umabot sa 72 katao ang nasugatan sa libu-libong mamamayan nakipaglaban sa 5,000 pulis.
Prayer Almighty God in your mercy we humbly beg to enlighten the hearts and minds of all from division, and come up with humane and peaceful solution. Let harmony reign, and not violence.
Let there be mutual respect, and not recriminations. We pray in particular for our OFWs, with your guidance keep them from troubles and make them safe. With your grace spare them from troubles and from harms, provide their needs and make them work in peace and their stay, status well protected.
Amen.