143 total views
Nasasaad sa social doctrine of the church na maraming mamamayan ng mahihirap na bansa ang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat na kinakailangan i-trato ng tama gaya ng pagbibibay ng sapat na benepisyo, paggalang sa kanilang karapatang pantao at maging bahagi ng komunidad.
Sa ganitong konteksto ay kinundina ng isang Commissioner ng Commission on Human Rights ang sinapit ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na binugbog at hinalay ng isang airport security personnel sa Kuwait.
Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na nangangasiwa sa Migrant Workers’ Rights ng kumisyon, mahalagang mabigyan ng katarungan ang sinapit ng Filipina sa mismong paliparan ng Kuwait.
Kaugnay nito, nanawagan ang opisyal sa pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) upang matiyak ang kapakanan, kaligtasan at karapatan ng mga OFW hindi lamang sa Kuwait kundi maging sa iba’t ibang bansa.
“We condemn this act of sexual violence allegedly committed by no less than a member of the Kuwait airport personnel. We seek justice in her behalf, and urge the Department of Foreign Affairs and the Department of Labor and Employment to ensure that our aggrieved OFW’s rights are protected and upheld…” pahayag ni Pimentel-Gana.
Iginiit ni Gana na dapat arestuhin at maparusahan ang 22-taong gulang na suspek na kinilalang si Fayed Naser Hamad Alajmy na responsable sa sinapit ng OFW matapos.
Samantala, tiniyak naman ni Gana ang masusing pakikipag-ugnayan ng kumisyon sa DFA at DOLE upang matiyak na mabibigyang seguridad ang kapakanan at karapatan ng biktima.
“Definitely, my office at the CHR will closely monitor the case. We will coordinate closely with the DFA and DoLE to ensure that the rights of the victim are protected,” Dagdag pa ni Pimentel-Gana.
Kaugnay nauna nang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) na mahalagang matiyak ng pamahalaan na tupdin at hindi lumabag ang pamahalaan ng Kuwait sa nilagdaang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
Matatandang ika-11 ng Mayo taong 2018 ng nilagdaan ng pamahalaan ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan para mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga OFW kung saan nakapaloob rin dito ang pagkakaroon ng special police unit na tutulong sa embahada ng Pilipinas para sa pagsasagawa ng mga rescue operations sa mga OFW na mangangailangan ng tulong.