250 total views
Lubos ang tuwa at pasasalamat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga nakiisa sa kanyang ika-62 taong kaarawan sa pamamagitan ng pagdo-donate ng dugo.
Kasabay ng pagdiriwang sa kaarawan ni Cardinal Tagle ay taunang pagsasagawa ng “Blood-Letting Activity” sa 4th floor ng Arzobispado De Manila, sa Intramuros.
Sinabi ng Kardinal na ang aktibidad sa kanyang kaarawan ay hindi lamang basta pagbabahagi ng anumamg bagay dahil ito ay pagbibigay mismo ng buhay.
Binigyang diin ni Cardinal Tagle na sa pamamahitan ng pag-donate ng dugo ay nadudugtungan ang buhay ng kapwa na nangangailangan.
“Hindi [ito] magsi-share lang ng kayamanan, ng oras, pero magsi-share ng dugo, blood letting kasi ang dugo po ay sagisag ng buhay. Alam naman po natin marami tayong kapatid na dahil sa sakuna, mga violence ay nangangailangan ng operasyon at pagsasalin ng dugo, kaya po sa araw na ito kung may oras kayo at sapat na kalusugan at papasa sa mga requirements, punta po kayo dito.” paanyaya ni Cardinal Tagle sa pamamagitan ng Radyo Veritas.
Ngayon ang ika-12 taon ng pagsasagawa ng blood letting activity na RCAM celebrating life, Dugtong Buhay.