188 total views
Nagpahayag ng pasasalamat ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sa pagbibigay halaga ni Pangulong Duterte sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos-Chairman CBCP-ECMI malaking bagay para sa mga Filipinong manggagawa sa iba’t ibang bansa ang pagsusulong ng Pangulo sa kapakanan, karapatan at dignidad ng mga OFW sa 34th ASEAN Meeting.
“It is very much encouraging and inspiring to promote and push through the rights and dignity of our OFWs during this coming 34th ASEAN meeting. With this we, at CBCP ECMI, is appreciative and grateful for the caring initiatives of our President to our OFWs. This shows his concern and compassion towards them,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam sa Radyo Veritas.
Paliwanag ng Obispo, mahalagang nagmumula sa mga lider ng pamahalaan ang paninindigan para matiyak ang kapakanan ng mga OFW.
Giit ni Bishop Santos, napapanahon na upang ganap na matiyak ang makataong pagtrato sa mga Filipinong manggagawa na kalimitang naabuso at dumaranas ng pang-aabuso mula sa kanilang pinaglilingkuhang dayuhan.
Binigyang diin ng Obispo ang kahalagahan ng mga OFW na itinuturing na mga bagong bayani ng lipunan dahil na rin sa kanilang malaking ambag sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
“As we witness Asia is home to many migrants around the globe. And is indeed high time to do necessary measures to protect them, to promote a decent and very humane treatment and to prevent unjust, unfair treatment. Most serious problem and evil acts being committed against our Asian migrants are human smuggling and trafficking. Migrants are also pillars of our economic growth. They are much more human persons with inherent rights and dignity must respected and taken good care of. We pray for the success of this 34th Asian meeting and hoping for fruitful results for our migrant workers. Thanks and take care,” dagdag pa ng obispo.
Sa tala ng Center for Migrant Advocacy Philippines, aabot sa 5-libong mga Pilipino ang lumalabas ng bansa kada araw upang magtrabaho sa mga karatig bansa o tinatayang aabot sa kabuuang 1.8-milyong Pilipino kada taon ang lumalabas at nangingibang bansa upang maghanapbuhay.
Sa social doctrine of the church, nasasaad ang pagbibigay halaga sa tamang pakikitungo at pagbibigay ng sapat na benepisyo, paggalang sa kanilang karapatang pantao at maging bahagi ng komunidad maging ang dayuhang manggagawa.