240 total views
Masusing iniimbestigahan ng Archdiocese of San Fernando Pampanga ang akusasyon ng isang 17-taong gulang na babae laban sa isang Pari ng Arkidiyosesis.
Sa panayam ng Radio Veritas advocate, inihayag ni Archbishop Florencio Lavarias, arsobispo ng Archdiocese of San Fernando na kasalukuyang iniimbestigahan ng Arkidiyosesis ang akusasyon ng panggagahasa ng isang 17-anyos na babae laban kay Father Daniel Alvarado Baul, dating Apostolate director ng Bahay Pag ibig, Munting Tahanan ng Nazareth, Indu ning Mayap a Usuk Holy Angel Village.
Ayon kay Archbishop Lavarias, inalis rin niya sa kanyang assignment si Father Baul noong nakaraang buwan ng Marso 2019 habang isinailalim ito sa Ecclesiastical investigation.
Bilang pagtalima at pakikipag-cooperate sa civil authorities, pinagsabihan ng Arsobispo ang Pari na sumailalim sa imbestigasyon ng mga otoridad at harapin sa korte ang mga alegasyon laban sa kanya.
Bukod sa isinasagawang Ecclesiastical investigation ng Arkidiyosesis, ipinaubaya na ni Archbishop Lavarias sa mga otoridad at korte ang pagdetermina kung guilty o hindi sa akusasyon ang inaakusahang Pari.
“The Priest have been relieve, investigation is ongoing and was ask to face the case”. pahayag ni Archbishop Lavarias sa Radio Veritas
Tiniyak din ni Archbishop Lavarias na nasa mabuting pangangalaga ng Archdiocese of San Fernando ang babaeng nagsampa ng reklamo laban sa Pari.
“Then yung babae, yung accuser, of course yung alleged victim she’s been taking care of”. pahayag ng Arsobispo.
Nilinaw ng Arsobispo na sinunod niya ang protocol ng Simbahan kapag may inihaing reklamo laban sa mga pari.
“Una kapag may complaint, when I received the complaint I talked to the complainant. Then immediately naghanap ako ng tutulong sa kanya until now she’s been taken cared of. Secondly, I talked to the priest, of course sabi niya hindi naman totoo, but immediately I asked him to vacate his post and I assigned another Priest dun sa kanyang previous. And then kapag may case na ganyan, we sought the assistance of his lawyers. He, gumawa na ng counter affidavit” paglilinaw ni Archbishop Lavarias sa Radio Veritas