162 total views
Ikinabahala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission Migrants and Itinerant People ang ulat ng United Nations High Commissioner on Refugees (UNHCR) na umabot na sa 65.3 milyon ang mga migrante sa buong mundo.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon na isang malaking trahedya ang kinakaharap ng mundo dahil sa pagkukubli ng mga tao sa iba’t ibang mga bansa upang tumakas sa kaguluhan sa kanilang sariling bayang sinilangan.
Nagdudulot kay Bishop Santos ng pagkasira ng paghubog at paglago ng tao sa kanyang komunidad dahil na rin sa takot at diskriminasyon.
“Ito ay nakakabahala at ito ay masasabi nating isang tragedy ma magli – lead sa human catastrophe dito natin makikita mga aral na giyera o kaya mga civil conflict ay hindi mag – uuwi ng kapanatagan ng kapayapaan at kasaganahan ng bansa. Ang regional conflict or war na talagang magdudulot ng karahasan, kaguluhan at pagkakawala ng tao,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Veritas Patrol.
Napapanahon na rin ayon sa obispo na kumilos ang sangkatauhan upang magmalasakit lalo nasa pagtulong at pagkupkop sa mga refugees.
“Sa nangyayari ngayon ang buong mundo ay hindi dapat manahimik ito na ang pagkakataon na kung saan ipakita sa buong mundo na tayo ay faithful stewards of the earth at tayo ay brother’s keeper na tulungan din natin, damayan natin maramdaman nila mayroong nangangalaga sa kanila,” giit pa ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.
Nabatid na lumago sa 5.8 milyon ang mga displaces people nitong 2015 batay sa ulat istatistika ng UN. Batay naman sa dami ng populasyon sa buong mundo nang mahigit 7 bilyon, binanggit ng UN na sa bawat isa sa kasa 113 katao sa planeta ay migrante.
Nauna na ring binanggit ni Pope Francis na ang Simbahan ay laging bukas at tinatanggap ang lahat lalo na ang mga migranteng naghahanap ng mas magandang kinabukasan sa ibang bansa.