210 total views
Nananatili at patuloy ang pagmamahal sa bayan.
Ito ang mensahe ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kabila ng kinakaharap na kasong sedisyon na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group kasama ang 35 iba pang indibidwal.
Umaasa rin ang arsobispo na magiging patas at malinis ang imbestigasyon upang maisiwalat ang katotohanan na inosente ang mga kinatawan ng simbahan sa maling paratang.
“If the process will be fair and truthful I know the authorities would see it through. Mahal na mahal ko pa rin ang bayan sa kabila ng lahat,” pahayag ni Archbishop Villegas sa ginanap na misa para sa Katotohanan, Katarungan, at Kapayapaan sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan, city.
Read: 3-buwang pagpapatunog ng kampana, sinimulan ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan
Nagpapasalamat naman si Archbishop Villegas sa mga mananampalataya, pari, relihiyoso at relihiyosa sa kanyang diyosesis na nagbigay ng suporta at nanindigan sa mga inaakusahang lingkod ng simbahan.
Sa mensahe ng arsobispo sinabi nito na ang pagmamahal ng mga mananampalataya sa mga Obispo ang nagbibigay ng lakas sa kanilang mga nakakaranas ng pag-uusig sa pamamagitan ng maling bintang.
Giit pa ni Archbishop Villegas, walang katotohanan ang mga ipinaparatang sa kanila at kailan man ay hindi siya makikisangkot sa ganitong uri ng krimen.
“I never imagined I would be ever accused a crime of sedition and even receive a subpoena to explain. The good Lord knows I am innocent of the crime. I am not a political troublemaker. My parents taught me to be law abiding,” bahagi ng mensaheng ipinaabot ni Archbishop Villegas.
Ika-31 ng Hulyo nang isagawa ang misa na sinundan ng pananalangin at prusisyon ng mga mananampalataya sa arkidiyosesis.
Read: Pinagpala ang mga inuusig at maling pinaparatangan-Bishop Dimoc
Prayer power
Ang misa ay pinangunahan ni Lingayen, Dagupan Auxiliary Bishop Fidelis Layog, kasama si Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.
Una na ring nagsagawa ng misa ang Diocese ng Cubao at Diocese ng Balaga, Bataan bilang paninindigan at pagsuporta sa mga inakusahang lingkod ng simbahan.
Bukod kay Archbishop Villegas, kabilang din sa 35 iniuugnay sa kaso sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop- emeritus Teodoro Bacani Jr.; CBCP-vice president kalookan bishop Pablo Virgilio David at tatlo pang mga pari.