Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 331 total views

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng parokya at religious institution ng Archdiocese of Manila at mga layko na mag-alay ng misa at panalangin para sa mga pari at obispo na nahaharap sa pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya at paninindigan.

Ito ang nilalaman ng inilabas na circular letter ni Cardinal Tagle kaugnay na rin sa kasalukuyang nagaganap sa lipunan.

Ayon sa kaniyang kabunyian, ang mga panalanging ito ay bilang pagpapahayag ng suporta at pakiisa sa mga nagdurusa nang dahil sa mga maling paratang.

Kalakip din ng liham ang panalangin para sa Bayan na babasahin simula sa Linggo at darasalin buong buwan ng Agosto kabilang na ang mga misa tuwing Sabado ng gabi.

“Our dear Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle is asking all of us, priests, religious men and women and lay faithful in the Archdiocese of Manila, to offer our Masses and prayer for all our Bishops and Priests, especially those who suffer because of persecution and false accusations. Let our prayers be the best expression of our solidarity and fraternal support for them,” bahagi ng circular letter na nilagdaan ni Fr. Reginald Malicdem, chancellor ng Archdiocese of Manila.

Ang panawagan ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng kapistahan ni St. John Marie Vianney ang patron ng mga pari sa ika-4 ng Agosto.

Panawagan para sa kapanatagan ng mga inuusig

Kalakasan at kapanatagan para sa mga lingkod ng simbahan na iniuugnay sa kasong sedisyon.

Ito ang nilalaman ng panalangin ni Cardinal Tagle sa mga obispo, pari at mga layko na nagdurusa dulot ng maling paratang dahil sa kailang paninindigan.

“Itinataas namin sa iyo ang mga obispo, pari, relihiyoso, at layko na nagdurusa dahil sa maling paratang at pag-uusig dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalataya at katarungan,” ayon sa panalangin ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, bigyan nawa sila ng Panginoon ng kapanatagan na malagpasan ang bawat pagsubok na kinakaharap.

Bahagi rin ng panalangin ng kaniyang Kabunyian ang mga biktima ng pagpaslang at karahasan gayundin sa mga paring nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban para sa katotohanan.

“Tanggapin mo sa iyong hapag sa kalangitan ang mga napaslang sa mga marahas na organisadong pagpatay kasama ang mga paring nagbuwis ng buhay sa pagsusulong sa katotohanan at katarungan.”

Nawa ang bawat isa na nahaharap sa suliranin ay bigyan ng kalakasan para magpatuloy.

Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa si Cardinal Tagle kung saan kabilang sa tinungo nito ang Rohingyan Refugee camp sa Bangladesh bilang bahagi ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng Caritas Internationalis.

Una na ring kinasuhan ng PNP-CIDG ang 35 indibidwal kabilang na ang mga obispo at mga pari ng simbahan sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Nagsagawa naman ng misa ang ilang diyosesis kabilang na ang Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, Diocese ng Cubao at Balanga Bataan bilang suporta sa mga lingkod ng simbahan na maling pinaratangan.

Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Joemel Peter Advincula Alyas Bikoy na siyang nasa likod ng video na ang Totoong Narcolist na unang iniugnay sa ilegal na droga ang mga malalapit na kaibigan at pamilya ng Pangulong Duterte, bagama’t binawi rin sa halip ay pinangalanan ang mga kritiko ng Pangulo na nasa likod ng ‘destabilization plot’ laban sa punong ehekutibo.

PRAYER

Itinataas namin sa iyo ang mga obispo, pari, relihiyon, at layko
na nagdurusa dahil sa maling paratang at pag-uusig
dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalataya at katarungan.
Pagkalooban mo sila ng banal na kagalakan at kapanatagan
na magtatawid sa kanila sa madidilim na gabi at paghihirap.

Tanggapin mo sa iyong hapag sa kalangitan
ang mga napaslang sa mga marahas na organisadong pagpatay
kasama ang mga paring nagbuwis ng buhay
sa pagsusulong sa katotohanan at katarungan.

Kasama si San Pablo aming sinasambit.
“Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit ‘di kami nalulupig.
Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa.
Inuusig kami ngunit hindi kami pinapabayaan ng Panginoon.
Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.
Upang sa pamamagitan n gaming katawan
ay mahayag ang kanyang buhay” (2 Corinto 4: 8-10).

Dahil kapiling ka namin, Panginoon,
walang anumang naganap na o darating pa
ang makakaagaw sa aming pag-asa kay Kristo.
Nagtitiwala kami sa iyong walang maliw na pagmamahal.
Ikaw lamang ang makakahilom ng mga sugatang puso.
Ikaw lamang ang makakapagpatahan sa aming pagluha.
Ikaw lamang ang makakapagbigay sa amin ng kapayapaan.
Ikaw lamang ang makakapagpaloob ng lakas upang kami ay magpatuloy.
Palakasin mo ang mga pinapanghinaan ng loob
at bigyan ng katiyakang walang imposible o hindi mapangyayari sa iyo.
Puspos ng Espiritu Santo, lumalim nawa ang aming pag-ibig at malasakit sa bawat isa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon.

Amen.

Maria, Ina ng Pag-asa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Juan Vianney, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Beato Jose Maria de Manila, ipanalangin mo kami.
Beato Justo Tayakama Ukon, ipanalangin mo kami.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mental Health Awareness Month

 9,478 total views

 9,478 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »

Pananagutan sa kalikasan

 15,065 total views

 15,065 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »

Salamat, mga VIPS

 20,581 total views

 20,581 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »

BAYANIHAN

 31,702 total views

 31,702 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »

NINGAS-COGON

 55,147 total views

 55,147 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 2,184 total views

 2,184 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 6,888 total views

 6,888 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 9,527 total views

 9,527 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 17,121 total views

 17,121 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 17,310 total views

 17,310 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 26,155 total views

 26,155 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 48,458 total views

 48,458 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 46,810 total views

 46,810 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 53,681 total views

 53,681 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 64,746 total views

 64,746 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 62,115 total views

 62,115 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 65,153 total views

 65,153 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 64,518 total views

 64,518 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 74,754 total views

 74,754 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 74,428 total views

 74,428 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top