181 total views
Ito ang hamon sa mananampalataya ni Carlo Ople, Vice-president ng Digital Strategy and Consumer Disruptive Business ng PLDT sa kanyang talk na understanding Today’s Audience, plugged in but disconnected sa 5th National Catholic Media Convention.
Ayon kay Ople, hindi sapat na ang mga mananampalataya ay nanonood o nagbabasa lamang sa internet dahil malaking bagay ang pagbabahagi ng salita ng Diyos sa internet at Social Media.
Aniya, sinumang tao ay maaaring maging eksperto at mag post sa social media subalit ang mga mananampalataya lalo’t higit ang mga volunteers ng social communications ministry lamang ang tanging maykakayahang magdala ng salita ng Diyos at moral na katuruan ng simbahan sa internet.
Dahil dito, sinabi ni Ople na mabuting mapagsama ng mga mananampalataya lalo na ng mga kabataan ang kanilang hilig sa Social Media at ang pagpapakalat ng mga aral ng Panginoon.
“Puwede silang maging expert ng facebook, ng social media pero meron ba silang values? When it comes to expertise in life, nasa inyo yon [church people]. Digital, allows people to enjoy the living, doing what we love, and at the same time we can give back to the world, and I can bless other people.” Pahayag ni Ople.
Umaasa naman ang CBCP Episcopal Commisision on Social Communications na lalo pang magiging mabunga para sa Social Communications Ministry Volunteers ang natitirang araw ng pagtitipon na magtatapos sa ika-9 ng Agosto.