224 total views
Binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na hindi tugon ang pananahimik sa mga pang-aatake sa lipunan.
Ipinaliwanag ng Obispo na ang pananahimik sa hindi makatarungang pag-atake sa mamamayan ay higit pang sasamantalahin ng ilang indibidwal ang kahinaan ng ibang tao.
“This [silence] is a good way to respond to personal attacks, but when the attacks are being done against others unjustly, silence is not an option. To keep silent is to allow the aggressor to bully the innocent victims,” pahayag ni Bishop Pabillo.
Iginiit ng Obispo na ang pananahimik ay nangangahulugan ng pagpanig sa mga mapang-alipustang indibidwal at hinahayaang ipagpatuloy ang pang-aatake at pagpalaganap ng mga kasinungalingan sa pamayanan.
Ayon kay Bishop Pabillo, kailangang protektahan ang mga biktima ng pang-aabuso laban sa mga hindi makatarungang pag-atake.
Inihayag ng Obispo na ang kawalang katarungang naranasan sa isang komunidad ay dapat maramdaman ng buong pamayanan kaya’t pinuna nito ang pananahimik ng ilang pastol ng simbahan laban sa mga karahasang nagaganap sa bansa.
“Do we have to wait for the killings to spread to other dioceses? Injustice in one area is injustice to all, like a wound in a part of the body makes the whole body sick.” pahayag ng Obispo
Binanggit ng Obispo ang pagpaslang sa mga taong hinihinalang sangkot sa ipinagbabawal na gamot na karamihan ay sa Metro Manila at karatig lalawigan na batay sa tala ng mga human rights group umabot na sa higit 20, 000 indibidwal ang biktima.
Binigyang pansin din ng Obispo ang mga karahasan sa Negros at sa rehiyon ng Mindanao kung saan batay sa taya 90 katao na ang napaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte na kadalasang biktima ay mga katutubo, magsasaka, human rights advocates, abogado at maging ilang kasapi ng Philippine National Police.
Pinuna din ni Bishop Pabillo ang pagiging tahimik ng ilang mamamayan hinggil sa walang basehang akusasyon sa 36 na indibidwal na kinasuhan ng sedisyon dahil sa hayagang pagpuna sa mga maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.
“Silence is not an option. We have to speak – and now! Defend the innocent. Denounce the aggression. Call the accusations for what they are – lies!” panawagan ni Bishop Pabillo