176 total views
Nagpaabot ng pasasalamat si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa mamamayan na sumusuporta hindi lamang sa kanya kundi sa iba pang mga Obispo, Pari at Laiko na pinararatangan ng pakikisangkot sa oposisyon sa sinasabing destabilisasyon laban sa pamahalaan.
Ayon sa Obispo, mahalagang patuloy na manindigan sa tama at suportahan ng mamamayan ang mga ginigipit ng pamahalaan upang maipamalas ang pagkakaisa para sa pagkakaroon ng katarungan at kaayusan sa bansan.
Iginiit ni Bishop Bacani na nararapat na ipakita ng mamamayan ang hindi pangsang-ayon sa mga maling nagaganap upang mawakasan ang kawalan ng katarungan, kasinungalingan at karahasan sa lipunan.
“Nagpapasalamat kami at magpatuloy sila na mag-demonstrate ng support sa mga inaakala nila, sa mga Obispo at Pari at mga pinaparatangan ng hindi totoo. Ipakita sa gobyerno na nagrereact ang mga tao, kung baga, sobra na, tama na, tigilan na”.
Ang bahagi ng pahayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa panayam sa Radio Veritas.
Isa lamang si Bishop Bacani sa mga lingkod ng Simbahang Katolika na kabilang sa 36 na personalidad na sinampahan ng sedition case ng PNP-CIDG kasama sina CBCP Vice President at Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, Former CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Fr. Flaviano Villanueva, running priest Fr. Robert Reyes at Jesuit Priest na si Fr. Albert Alejo.
Ika-9 ng Agosto ng isinagawa ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kasong sedition, cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice na isinampa ng PNP-CIDG laban sa 36 na mga personalidad na kilalang kritiko ng kasalukuyang administrasyong Duterte na ipagpapatuloy sa ika-6 ng Setyembre.
Samantala, bukod sa suporta mula sa iba pang mga Obispo at sa mismong Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ay opisyal na ring nagpahayag ng suporta at pakikiisa ang Sangguniang Layko ng Pilipinas, Association of Major Religious Superiors in the Philippines, Mother Butler Guild at ilan pang grupo ng mga mananamapalataya.
Read: Vatican foundation, tiniyak ang suporta sa mga inuusig na lingkod ng simbahan
Mother Butler Guild, magrorosaryo at mag-aayuno para sa mga inuusig na lider ng Simbahan
PCCRS, nagpahayag ng suporta sa mga inuusig na lider ng Simbahan
AMRSP, nanawagan sa nagkakaisang Simbahan