Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Iwaksi ang pamimintas, bigyang pagpahahalaga ang bawat biyaya-paanyaya sa kabataan

SHARE THE TRUTH

 210 total views

Naging emosyonal ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga ibinahaging kwento ng mga kabataan sa programa ng Manila-Archdiocesan Commission on Youth na Usapang Totoo at Katoto (UTAK) na ginanap sa Nazarene Catholic School.

Tatlong kabataan ang naglahad ng kanilang buhay at kung paano nila kinakaharap ang mga pagsubok sa murang edad pa lamang.

Irish Callao-Parish Youth Ministy, San Jose de Trozo 

Si Callao ay isang scholar ng Caritas Manila at mag-aaral sa Unibersidad de Manila sa kursong Mass Communication major in Journalism na tuwinang nakakaranas ng diskriminasyon dahil sa pagiging maliit o pandak.

Dahil dito, malimit siyang minamaliit ng ibang mga tao, subalit natagpuan niya at naranasan ang pagmamahal ng isang pamilya sa grupo ng mga kabataang naglilingkod sa simbahan.

Aniya, ang mga pagsubok sa buhay, at kapintasan sa pisikal na katangian ay hindi naging hadlang upang makapaglingkod siya sa Panginoon, at makahanap ng mapagmahal na komunidad na maituturing nitong pamilya.

Allisah Nina Luz Banaobra-finalist ng The Voice Philippines at Top 11 sa X-Factor UK 

Ibinahagi ni Banaobra na sa kabila ng kahirapan, at pangmamaliit sa kan’ya ng mga katunggali sa kumpetisyon ay nanalig lamang ito sa Panginoon na balang araw ay matutupad ang kan’yang pangarap na maging isang mang-aawit.

Van Jover Telebrico ng Parish Youth Ministry sa Santa Cruz Parish 

Isang mag-aaral mula sa Unibersidad de Manila sa kursong Public Administration na nakaranas mga pagsubok sa murang edad pa lamang kabilang na dito ang tangkang pagpapakamatay ng nakatatanda nitong kapatid.

Nagpapasalamat si Telebrico sa Panginoon dahil nabuhay at maayos na ang kalagayan ng kan’yang kapatid subalit hindi pala dito nagtatapos ang pagsubok sa kan’ya dahil siya din ay nakulong sa bilangguan at nakalaya sa pamamagitan na rin ng tulong mula sa PYM.

Bilang aral, sinabi nito sa kapwa niya kabataan na ang mga pagsubok na ibinibigay ng Panginoon ang lalo pang nagpapalakas sa kan’ya.

Bagamat nananatili sa mahirap na kalagayan ang kan’yang pamilya, natutunan ni Telebrico na laging umasa sa Diyos na naging kaagapay niya sa lahat ng pagsubok.

Sa naging karanasan ng mga kabataan, ipinaalala naman ni Cardinal Tagle na laging alalahanin ng mga ito ang natatanging biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat tao.

Ayon kay Cardinal Tagle walang taong nilikhang perpekto at ang bawat isa ay may mga kapintasan at kalakasan.

Sinabi ni Cardinal Tagle na matuklasan nawa ng mga kabataan ang kanilang kalakasan, galitn at gamitin ito sa pagpapabuti ng lipunan at pagtataguyod sa kanilang kapwa.

“Ang hirap ng buhay na lagi kang may kalaban, at sa isip mo ikaw na ang talo. Mga kabataan wala sa atin na perfect, pero sana matutunan natin kilalanin, at i-appreciate anuman ang gift, regalo na nasa iyo. Walang tao na natanggap lahat ng gifts pero hindi ibig sabihin nun ay balewala ka,”pahayag ni Cardinal Tagle.

Hiniling din ni Cardinal Tagle na sa pagtuklas ng sariling mga kakayahan, ay igalang din ng mga kabataan ang kakayahan ng kanilang kapwa.

Sang-ayon sa pahayag ni Pope Francis, dapat iwaksi ang pamimintas sa kapwa at bagkus ay tignan ang kagandahan ng kanilang mga katangian na biyaya ng Diyos.

“Hihilingin ko sa inyo, igalang ninyo at pahalagahan i-appreciate ang gifts na nasa inyong ka-klase at kaibigan. Sabi nga ni Pope Francis tama na ang pamimintas tama na ang pag-criticize, panahon na para mag appreciate. Sa halip na hatak I build up. Recognize your gifts, i-develop ninyo, at yung gift ng iba i-develop din ninyo, sa halip na magkalaban naghihilahan, celebrate the gifts mag exchange gift kayo,” hiling ng Cardinal sa mga kabataan.

Manila Mayor Domagoso sa kabataan

Naging panauhin din sa pagtitipon si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Nanawagan ang alkalde sa mga kabataan na tulungan ang pamahalaan sa pagpapanumbalik nang mapayapa, masagana at maunlad na lungsod ng Maynila.

Hinamon nito ang mga mag-aaral na dumalo sa UTAK na panatilihin ang line of 8 na grado dahil sa pamamagitan ng pagsisikap sa pag-aaral ay malaki na ang naiaambag nito sa kaayusan ng lipunan.

Dagdag pa niya, ang ginagawa nilang pagsasaayos ng lungsod ay hindi para sa kanilang kapakanan kungdi para sa kinabukasan ng mga kabataan.

“Kayong mga bata kayo ang pinagtutuunan ng pansin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, bagay na aming ginagawa ngayon ay hindi para sa nanay nyo o para sa amin lamang, hindi ito ireregalo namin sa aking mga anak, kun’di sa [lahat] mga anak ng bawat pamilya dito sa lungsod ng Maynila,” pahayag ni Domagoso.

Ibinahagi pa nito ang personal niyang buhay kung paanong mula sa kahirapan ay nagpursigi ito upang makapagtapos ng pag-aaral, at ngayon ay isa nang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Domagoso na utang niya ang lahat ng kan’yang nakamit sa Diyos na lagi niyang hinihingan ng tulong at tinatawagan sa oras ng pagsubok.

“Whatever challenges, ang gagawin mo lang simple titingala ka lang sa itaas tapos kausapin mo na, sabi ng nanay ko ang Diyos daw pwedeng makausap ano mang oras. Pati sa itaas humihingi ako ng tulong dahil ang hindi kaya ng tao ay kaya ng Diyos,” Pahayag ni Domagoso.

May 200 ang mga kabataang dumalo sa buwanang pagtitipon na UTAK sa pangunguna ng Archdiocesan Commission on Youth ng Maynila.

Umaasa ang ACY-Manila na magpapatuloy ang aktibong pakikiisa ng mga kabataan sa ganitong pagtitipon at kapupulutan ito ng mga aral na kanilang maibabahagi sa pamilya at mga kaibigan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 42,760 total views

 42,760 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 53,835 total views

 53,835 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 60,168 total views

 60,168 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 64,782 total views

 64,782 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 66,343 total views

 66,343 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 60,423 total views

 60,423 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 60,206 total views

 60,206 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 60,201 total views

 60,201 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 199,638 total views

 199,638 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 194,150 total views

 194,150 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 60,374 total views

 60,374 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 60,273 total views

 60,273 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 146,845 total views

 146,845 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 60,099 total views

 60,099 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 50,344 total views

 50,344 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 46,887 total views

 46,887 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 46,901 total views

 46,901 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 46,894 total views

 46,894 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 46,913 total views

 46,913 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 46,743 total views

 46,743 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top