186 total views
Off-limits dapat ang mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad at mga paraalan.
Ito ang binigyang diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College at Former Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) sa panukalang pagtatalaga sa mga sundalo at pulis sa mga unibersidad at paaralan upang mapigilan ang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa mga mag-aaral.
Tinawag ng Madre na “martial law” ang pagtatalaga ng mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad at colleges sa bansa.
Tiniyak ni Sister Mananzan na magdudulot ito ng malawakang takot at pangamba hindi lamang sa mga guro at mag-aaral kundi maging sa mga magulang.
Iginiit ni Sr. Mananzan na kailangang igalang ng mga otoridad ang karapatan at ang academic freedom sa mga unibersidad at paaralan kung saan malayang makagalaw at makapag-aral ang mga estudyante.
“No way, no way, no way hindi dapat sila papasok sa eskwelahan aba parang Martial Law yan ng eskwelahan merong academic freedom at saka meron kaming right to our privacy, anong gagawin nila doon sa loob? magkakaroon nalang sila ng witch hunting, that is not an atmosphere for education, hindi ka makakapagturo sa mga bata sa isang atmosphere ng fear na nandyan at nakikinig-kinig yung mga pulis mga ganyan hinding hindi dapat natin payagan yan…”paninindigan ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.
Nagsimula ang panukala ng iginiit ni Senator Ronald Dela Rosa na dapat na pahintulutan ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na makapagtalaga ng mga pulis at militar upang makapagsagawa ng indoctrination para mipigilan ang recruitment ng makakaliwang grupo.
Bukod sa pagpapahintulot sa mga pulis at militar na makapasok sa mga paaralan ay binuhay din ang pagsasabatas sa Anti-Subversion Law na nagbabawal sa mga estudyante na sumapi sa komunistang grupo.
Samantala, mariin namang tinututulan ng mga mag-aaral ang naturang panukala kung saan nagsagawa ng mga Iskolar ng Bayan ng University of the Philippines ng UP Day of Walkout and Action noong ika-20 ng Agosto.
Tinututulan ng mga mag-aaral ang pagsasantabi sa right to academic freedom, to organize, and to protest.