175 total views
Nanindigan ang Association of Major Religious Superior in the Philippines (AMRSP) na hindi nararapat na maibalik at muling maisabatas ang parusang kamatayan sa Pilipinas.
Ayon kay AMRSP Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, hindi kailanman naangkop ang pagkitil sa buhay ng isang nilalang bilang parusa sa mga nagawang krimen.
Iginiit ng Pari na kailangang manatili ang pagpapahalaga sa dignidad ng buhay anuman ang nagawang pagkakasala.
“Siyempre ang Association of Major Religious Superior in the Philippines (AMRSP) ay tumututol doon sa hayagang deklarasyon ni Pangulong Duterte na ibalik yung death penalty. Tayo sa Simbahan, kaming mga relihiyoso, relihiyosa at lahat ng mga taong konsagrado ay tumututol sa ganitong pamamaraan ng parusa sapagkat mayroon tayong responsibilidad na pangalagaan ang buhay.Hayagan kaming tumututol dito at kasama dito sa panawagan namin na sana maintindihan din ng mga mambabatas na hindi na natin kailangan itong death penalty…”pahayag ni Fr.Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.
Kaugnay nito, umaasa ang CBCP – Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care na hindi magamit na argumento sa pagsusulong ng pagbabalik ng parusang kamatayan ang naunsiyameng pagpapalaya sa convicted rapist at murderer na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.
Mayor Sanchez, kinakasangkapan sa muling pagsasabatas ng death penalty