219 total views
Aktibong nakikipag-ugnayan ang Diocese of San Carlos, Negros Occidental sa mga otoridad para matutukan ang serye ng karahasan sa Negros island.
Ito ang inihayag ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa aktibong partisipasyon ng Simbahan upang mawakasan ang karahasan na nagaganap sa lalawigan.
Ibinahagi ng Obispo ang regular na pakikipag-ugnayan at pagkikipagtulungan ng diyosesis sa lokal na pamahalaan at mga otoridad sa hangaring matuldukan na ang karahasan.
“When you say authority kapag civil authorities yeah, we are in collaboration, when you mean state forces we are also in constant dialogue, in fact dialogue and meetings are ongoing…”pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.
Batay sa tala mula taong 2017 ay umaabot na sa mahigit 85-indbidwal ang napapaslang sa Negros island na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyang katarungan.
Naunang umapela si Bishop Alminaza kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag magdeklara ng Martial Law sa Negros island sapagkat hindi ito ganap na makatutugon sa suliranin ng karahasan sa lalawigan.
Ika-28 ng Hulyo ng magsimula ang papatunog ng kampana ng buong Diocese of San Carlos kung saan nasasaad sa Pastoral Appeal ni Bishop Alminaza na may titulong ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ ang pag-aatas ng Obispo sa lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses sa diyosesis na magpatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi hanggang sa tumigil ang karahasan sa lalawigan.