532 total views
Napabilang ito sa 10 commandments at nasasaad sa Encyclical ni Saint Pope John Paul the 2nd na Evangelium Vitae o The Gospel of Life na nagbibigay pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay na ipinagkaloob ng Panginoon sa bawat nilalang.
Bilang pagpapahalaga sa buhay, kinondena ng Commission on Human Rights o CHR ang pagpaslang sa isang opisyal ng Bureau of Corrections sa Muntinlupa noong Martes ika-27 ng Agosto.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, dapat na masusing imbestigahan ang pagkakapaslang sa opisyal na kinilalang si Ruperto Traya Jr, Chief Administrative Officer 3 ng BuCor upang mabigyan ng katarungan at maparusahan ang nasa likod ng krimen.
“The Commission on Human Rights condemns the assault against a Bureau of Corrections (BuCor) official, who was shot dead by a still unidentified assailant last Tuesday, August 27 in Barangay Poblacion, Muntinlupa City. The victim identified as Mr. Ruperto Traya Jr, Chief Administrative Officer 3, of BuCor at the Type B National Bilibid Prison Reservation in Muntinlupa.” pahayag ni de Guia.
Inihayag ni De Guia na suportado ng kumisyon ang mga inisyatibo ng BuCor upang maisaayos at matugunan ang jail management issues sa bilangguan.
Itinuturing ng CHR na pag-atake sa mismong inisyatibo at layunin ng BuCor ang pagpaslang sa opisyal.
“While there are still question on its means, the Commission supports the initiatives of BuCor in addressing jail management issues. Hence, any attack on BuCor officials is also an attack on these initiatives.” Dagdag pa ni de Guia.
Tiniyak naman ng CHR ang pakikipagtulungan sa mga otortidad upang makapagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa nasabing insidente.
Kaugnay nito, mariin ding naninindigan ang Simbahang Katolika sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.