273 total views
Ito ang hamon ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College at Former Co-Chairperson ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines (AMRSP) sa mga kabataan sa kanilang mahalagang tungkulin para sa kinabukasan ng bansa.
Iginiit ng Madre na mahalagang maagang mamulat at maunawaan ng mga kabataan ang sitwasyon ng bansa at kumilos upang muling maibalik ang katiwasayan at kapayapaan sa bansa na nakabatay sa pagiging makatao at maka-Diyos.
“Dapat yung mga kabataan natin mamulat sa mga nangyayari sa bayan kasi ito yung future natin, sila yung ating sabi ko nga they should not just be the hope of the future they should be the hope of the present na sila dapat ang magsabi at pumunta sa mga kalye at sabihin na hindi pu-pwede ito, ayaw namin na ganito ang aming inheritance sa inyong mga adults’ na ganito ang nangyayari sa lipunan natin dapat ay lahat tayo ay magsabi na please bumalik tayo sa isang lipunan na maka-Diyos at maka-tao at may katiwasayan at kapayapaan…” pahayag ni Sr. Mananzan sa Radyo Veritas.
Ipinaliwanag ng Madre na ang bawat mamamayan lalu na ang mga kabataan ay may mahalagang tungkuling dapat na gampanan para sa kabutihan ng bansa.
Naunang tinutulan ng Madre ang pagtatalaga ng mga pulis at militar sa loob ng mga unibersidad at paaralan.
Read: AFP at PNP, off-limits sa mga paaralan
Binigyan diin ng Madre na dapat galangin ng mga otoridad ang karapatan at ang academic freedom sa mga unibersidad kung saan malayang makagalaw at makapag-aral ang mga estudyante.