Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pag-alis ng arancel system, ipapatupad ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

 417 total views

Nagtipon-tipon ang mga pari, at lay leaders ng mga Parokya na sakop ng Arkidiyosesis ng Maynila para talakayin ang tungkol sa pamamahala sa mga parokya na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Ang kauna-unahang stewardship summit ng arkidiyosesis ay pinangunahan ni Bishop Broderick Pabillo ang katuwang na obispo ng Maynila.

Layon ng pagtitipon na magkaroon ng pagbabago at maalis ang arancel system sa mga parokya o ang pagbibigay ng exact rate sa mga serbisyo ng simbahan tulad ng pagtanggap ng mga sakramento.

“Ang isang goal natin ay matanggal ang arancel [system] and to promote more spirituality and more missionary aspects sa buong simbahan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Hangarin din ng pagtitipon na maisulong ang diwa ng paglilingkod sa kapwa at maipakita ang pagiging misyonero ng Simbahang Katolika na lumilingap sa mamamayan.

Sa paunang pahayag ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, sinabi nitong mahalaga ang partisipasyon ng bawat mananampalataya sa pag-alis ng arancel system dahil bilang bahagi ng Simbahan dapat tumulong ito sa pagpapalawak ng mga serbisyo at paglilingkod sa kapwa.

Ito ay nakabatay sa sinasaad sa Second Plenary Council of the Philippines noong 1991 sa ilalim ng decree 118 hinggil sa ‘tithing’ at tuluyang pagbuwag sa arancel system.

Binigyang diin ni Bishop Pabillo na sa arancel system ay nagkakaroon ng diskriminasyon sa mga mahihirap na walang sapat na salapi para sa mga serbisyo ng Simbahan.

Iginiit ng Obispo na dapat mabago ang ganitong uri ng pananaw hinggil sa mga sakramento na dapat libreng matatanggap ng bawat mananampalataya.

Batay sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Evangelii Gaudium, dapat manatiling kumakalinga ang Simbahan sa mga dukha sa lipunan bilang pagpapahalaga sa kanilang hanay tulad ng mga gawain ni Hesus.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na maipahayag lamang sa mga dukha ang ‘preferential religious care’ sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo sa kanilang sektor.

Umaasa si Bishop Pabillo na sa pakikisa ng mga Pari at mga laykong lingkod ng Simbahan ay maipatupad ang ibang pamamaraan sa paghahanap ng pondo para sa parokya bukod sa kasalukuyang arancel system.

“Sana pagkatapos nito [stewardship summit] pag usapan by parishes at desisyonan nila para maging operational na siya in 2021.” ani ni Bishop Pabillo.

Inihayag ng Obispo na kailangang magbalik handog sa Panginoon batay na rin sa nasusulat sa Bibliya bilang pasasalamat sa mga biyayang kaloob.

Hamon ng Obispo sa mga parish leader na agad matalakay at masimulan sa kanilang mga parokya upang magiging ganap na sistema ito ng Simbahan sa Pilipinas sa 2021 ang taon ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Ilan sa mga halimbawang maaaring ipalit sa arancel system na nakabatay din sa bibliya ay ang Handog Katiwala, Balik Handog, Handog Pananalig at Handog Pag-ibig o Love Offering na kusang loob lamang ng mananampalataya ang pagbibigay ng kanilang share sa Simbahan na walang itinakdang presyo.

Ilan sa mga diyosesis sa Pilipinas ang nagbuwag ng arancel system kung saan sa pamamagitan ng kanilang Basic Ecclesial Communities ay napapanatili ang operasyon ng mga Simbahan at tinatamasa ng nasasakupang mananampalataya ang libreng serbisyo at paglilingkod ng Simbahang Katolika.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,516 total views

 38,516 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,591 total views

 49,591 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 55,924 total views

 55,924 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,538 total views

 60,538 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 62,099 total views

 62,099 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 65 total views

 65 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 130 total views

 130 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 1,869 total views

 1,869 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 2,304 total views

 2,304 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 2,435 total views

 2,435 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 2,439 total views

 2,439 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 2,470 total views

 2,470 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 3,459 total views

 3,459 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 4,762 total views

 4,762 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 4,802 total views

 4,802 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 5,470 total views

 5,470 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 5,603 total views

 5,603 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaroon ng Missionary of Mercy sa Diocese of Kidapawan,inanunsyo ng Obispo

 6,072 total views

 6,072 total views Inanunsyo ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang pagkakaroon ng Missionary of Mercy ng kanilang diyosesis. Ayon sa Obispo, inaprubahan ni Pope Francis ang kahilingang magtalaga ng missionary of mercy na may natatanging misyong higit maipalaganap ang habag at awa ng Panginoon sa sanlibutan. Sa liham mula kay Dicastery for Evangelization Pro-Prefect of

Read More »
Cultural
Norman Dequia

RCAM, sisimulan ang Jubilee Year 2025 celebration

 6,100 total views

 6,100 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya na makiisa sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly (MAGPAS) sa November 9, 2024. Tampok sa MAGPAS ngayong buwan ang paghahanda sa Jubilee Year 2025 kung saan nakatuon ang pagtitipon sa katesismo sa pagdiriwang ng buong simbahang katolika. Isasagawa ang MAGPAS sa Pope Pius XII Catholic Center

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagtatalaga sa 2 Cebuanong Obispo, ikinalugod ng Archdiocese of Cebu

 6,116 total views

 6,116 total views Ikinalugod ni Cebu Archbishop Jose Palma ang magkakasunod na pagkatalaga ng mga obispo mula sa Ecclessiastical Province of Cebu. Ayon sa arsobispo, isang regalo para sa buong simbahan ang pagkatalaga ng mga obispong magpapastol sa mga diyosesis katuwang ang mga pari. “Any appointment of a bishop is a joy for the church, their

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top