210 total views
Ibinahagi ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People o (CBCP-ECMI) na nagsagawa ito ng mga pagsasanay para labanan ang Human Trafficking sa lipunan.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, ito ay pagtugon sa laganap na pang-aabuso sa pamayanan partikular ang Human Trafficking kung saan sinasamantala ng ilang indibidwal ang kahinaan ng iba.
“CBCP-ECMI is conducting consultation and training workshop in combatting Human Trafficking for Zamboanga, Basilan and Sulu,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Sa talumpati ng Obispo sa pagtitipon, binigyang diin nito na ang Simbahan ay kumakatawan sa isang ina na nagiging boses at tumatayo para ipaglaban ang kapakanan ng mga anak na inaapi at nagdurusa.
“Our Church speaks especially for her suffering children, to conform and console them; to defend and to protect them; to right what is wrong and to correct what is bad and to apply necessary measures,” ani ng Obispo.
Batay sa 2018 Global Slavery Index, naitala ang Pilipinas sa ika – 12 puwesto na may pinakamataas na kaso ng Human Trafficking o katumbas sa higit 700, 000 ang nabibiktima.
Sinabi ni Bishop Santos na ang mga lingkod ng simbahan ay magsisilbing boses ng mga biktima ng Human Trafficking at tumutugon sa pangangailangan ng mga biktima katuwang ang pamahalaan.
“We-priests, religious and pastoral workers of your Archdiocesan and Prelatures migrant ministries are now the voice of our Church to speak and stands for our OFWs as to apply our CBCP ECMI in combatting Human Trafficking, that is, to prevent HT; to protect who are trafficked; to prosecute human traffickers and to partnership with our government offices to realise prevention, protection and prosecution.” pagtiyak ni Bishop Santos
Pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mamamayan na manatiling kumapit sa Panginoon sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na kinakaharap sa buhay dahil laging handa ang Panginoon sa pagdamay sa mga nahihirapan.