201 total views
Ibinahagi ni Cotabato Archbishop Angelito Lampon na patuloy nakipag-uganayan ang Simbahang Katolika sa mga komunidad na nasasakupan na binubuo ng mga Kristiyano at Muslim.
Inihayag ni Bishop Lampon sa Radio Veritas na may mga Pari mula sa Arkidiyosesis ang dumadalo sa mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.
“We are really trying to work [peace process], meron akong mga Pari na in-charge; ang Archdiocese of Cotabato ay on-going yung aming involvement sa BARMM,” pahayag ni Archbishop Lampon sa Radio Veritas.
Ibinahagi ng Arsobispo na positibo ang Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na pag-uusap ang pinakamabisang pamamaraan sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.
Iginiit ni Archbishop Lampon na walang puwang ang terorismo saan mang bahagi ng mundo sapagkat nais ng Panginoon na mangingibabaw ang pagkakaisa ng bawat nilalang.
“OPPAP is convinced that the only way to move forward really dialoguing sitting down with the BARMM and MILF officers,” ani ng Arsobispo.
Pinuri ni Archbishop Lampon ang pagsama-sama ng mga kinatawan ng bawat sektor sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at pananampalataya sa pakikipag-ugnayan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Magugunitang nitong nakalipas na linggo 7 katao ang nasugatan sa naganap na pagsabog sa Isulan Sultan Kudarat na kagagawan ng hinihinalang teroristang grupo upang maghatid ng takot sa mamamayan.
LABANAN ANG TERORISMO
Mariing kinokondena ng Kanyang Kabanalan Francisco ang terorismo na sumisira sa buhay, at kabuhayan ng mamamayan na itinuturing na gawain ng kadiliman.
Sa pagbisita ni Pope Francis sa Morocco sinabi nitong interreligious dialogue ang pamamaraang labanan ang terorismo.
Ika – 11 ng Setyembre 2001 nang inatake ng Al-Qaeda terrorist group ang twin tower ng World Trade Center sa Estados Unidos kung saan libu-libong katao ang nasawi.
Dagdag pa ni Archbishop Lampon na malaking hamon ang pagbibigay edukasyon sa mamamayan na bigyang tuon ang kabutihan ng bawat mamamayan upang iiral ang kapayapaan sa komunidad.
“The ultimate solution how do we change the mentality, mind, attitude and values of our people na maging concern sa common good not just constant awareness,” giit ni Archbishop Lampon.
Naniniwala ang pinuno ng Arkidiyosesis ng Cotabato na mayorya sa mamamayan ang nais maisakatuparan ang kapayapaan sa buong mundo.