215 total views
Binalaan ng Diocese of Antipolo ang mga mananampalataya lalo na ang mga namamahala sa parokya na mag-ingat sa huwad na pari.
Sa pahayag ni Antipolo Bishop Francisco De Leon sa antipolodiocese.org, matagal nang problema sa kanilang Diyosesis ang mga nagpapanggap na pari at nanghihingi ng pinansyal na donasyon para sa mga huwad na proyekto.
Binigyang diin ni Bishop De Leon na hindi maaaring makapagmisa o makapagdaos ng anumang banal na gawain ng mga pari ang mga huwad at nagpapanggap lamang.
“This is to warn you against a spate of fake priests who are scamming parishioners for money and gift cards, supposedly for good causes. Fraud priests has been causing problems and difficulties in some parishes in our diocese, we are not allowing them to offer the Holy Sacrifice of the Mass in our diocese not are we giving them faculties in our diocese.” pahayag ni Bishop De Leon.
Dahil dito, pinaalalahanan nito ang mga parokya, paaralan, at maging mga punerarya na mag-ingat.
Pinayuhan ng Obispo ang mga mananampalataya na magalang na hingin ang Celebret ng mga pari bilang patunay na sila ay pinahihintulutan ng Obispo na makapagdaos ng Banal na Misa.
Hinimok din ang mga mananampalataya na ipagbigay alam sa Chancery ng Diocese of Antipolo, sakaling may mahuli ang mga ito na huwad na pari.