220 total views
Ito ang hamon ng mga opisyal ng Simbahang Katolika sa mga Filipino sa paggunita mg ika-47 taong anibersaryo ng pagkadeklara ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa Martial law.
Inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na maiiwasan na maulit muli ang martial law horrors kapag nagkaisa at naninindigan ang mga Filipino na mapanagot ang mga namumuno ng bansa na hindi tumutupad sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Iginiit ni Bishop Bacani na muling mauulit ang martial law horrors kung mananatiling walang kibo at walang paninindigan ang sambayanang Filipino.
Hinimok naman ng Obispo ang mamamayan na ipagdasal na hindi magpapahintulot ng mapang-api at mapanlinlang na mamumuno sa bansa.
“Una, magpakatino na tayoong lahat. We wil get d kind f rulers we deserve. Ikalawa, bantayan natin at panagitin ang mga namamahala sa atin. Mga lingkod natin sila at hindi amo. Ikatlo, ipanalangin natin ang bayan natin na hindi magpapahintulot ng mapangapi at mapanlinlang na mga namumuno.” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas
Pinaalalahanan naman ni Radio Veritas 846 President at Caritas Manila executive director Father Anton CT Pascual ang sambayanang Filipino na huwag kalimutan ang karahasan at pagsupil sa karapatang pantao na dulot ng batas militar upang hindi na maulit pa.
Iginiit ni Father Pascual na hindi dapat payagan ng mamamayang Filipino ang sinumang pinuno na sisikil sa kalayaang ating tinatamasa.
“We remember the dark moment in the history of our country and never forget it so that it will not repeat itself. God created us to be free to Love and serve him in one another. And to realize our potentials according to His plan. No form of govt or tyrant for that matter would undermine that freedom of self expression and detemination that is only possible in a civil society where every person is free to be.” pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas