Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gobyerno, hinamong kumilos sa laganap na mental illness.

SHARE THE TRUTH

 196 total views

Napapanahon nang itaas ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng Mental health.

Ito ang binigyang diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kanyang Pastoral Visit On-Air sa himpilan ng Radyo Veritas sa tumataas na kaso ng pagpapatiwakal sa bansa.

Tinukoy ni Bishop David na na maraming kaso ng pagpapatiwakal ang hindi ganap na ibinabahagi ang tunay na dahilan ng pagkamatay dahil sa negatibong persepsyon ng mga residente sa kumunidad.

Ayon sa Obispo, ang mga nagpapatiwakal ay biktima lamang ng depresyon na hindi alam kung paano malalagpasan ang kanilang labis na kalungkutan at pighating nararamdaman.

“Sa amin sa Diocese of Kalookan lalong lalo na sa mga urban poor communities yung mga mission stations namin, mga parokya namin malalaman lang ito kung minsan hindi kaagad you know during the mass or yung blessing kung minsan through other people malalaman nila na ganoon pala ang naging sitwasyon noong namatay na siya ay biktima ng suicide, tinatawag natin silang biktima that they are victims of depression so we don’t say they killed themselves we say depression killed them parang they did not know how to cope with this depression…” pahayag ni Bishop David.

Dahil dito, iginiit ni Bishop David na naaangkop lamang ang pagsasabatas ng Mental Health Law sapagkat napapanahon nang maipalaganap ang kahalagahan ng Mental Health at mabuksan ang kamalayan ng mamamayan sa sitwasyong pinagdaraanan ng mga dumaranas ng mental health problems.

“Ngayon kailangan maitaas na yung kamalayan ng ating mga pamayanan, ating mga communities tungkol sa health issue na tinatawag nating Mental health at nagpapasalamat nga tayo at least napirmahan na yung Mental Health Law pero yung pag-iimplement doon sa batas matagal yan…” Dagdag pa ni Bishop David.

Umapela rin ang Obispo sa Department of Health na mas maging aktibo sa pagsasagawa ng drug rehabilitation program sa bansa.

Sinabi ni Bishop David na ang drug addiction o ang substance use disorder ay isang uri din ng mental health problem na dapat tugunan sa pamamagitan ng gamutan at paraang medikal sa halip na karahasan at pagpaslang.

“Ako nga china-challenge ko ngang pilit ang Department of Health na maging mas involve sila sa drug rehabilitation program because even drug addiction is a mental health issue na hindi gaanong tinatanggap ng iba, it’s a mental disease kaya nga substance use disorder ang tawag diyan, minsan parang ang pag-iisip natin tungkol sa drug user parang kapag sinabi mo drug user kaagad negative ang pag-iisip…” Apela ni Bishop David.

Naunang tinukoy ng Simbahan na hindi lamang mga institusyong pangkalusugan ang kinakailangan tumutok sa tumataas na kaso ng mental illness sa iba’t ibang bansa kundi maging ang lahat ng sektor at institusyon sa pamayanan.

Ayon sa pagsusuri ng UN-WHO kalimitang nagsisimula ang mental illness sa murang edad pa lamang na kadalasang nauuwi naman sa pagpapatiwakal pagdating sa edad na 15 hanggang 29 na taong gulang kung hindi agad na maagapan.

Sa Pilipinas, nabatid mula sa datos ng Department of Health na mula taong 2016 ay umaabot na sa 2,413 ang kaso ng suicide sa bansa.

Bagamat nananatili ang posisyon ng Simbahan na hindi opsyon at dapat na kunsintihin ang pagpapatiwakal ay hindi naman ipinagkakait nito ang karapatan sa mga nagpakamatay na tumanggap ng pagkalinga at pagbabasbas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang iba’t-ibang institusyon ng Simbahan at mga Diyosesis sa pagtugon sa tumataas na bilang ng suicide sa bansa.

Read: Simbahan, naalarma sa tumaas na kaso ng suicide sa Bohol… Project Bohol, inilunsad

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 35,043 total views

 35,043 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 50,120 total views

 50,120 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 56,091 total views

 56,091 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 60,274 total views

 60,274 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 69,555 total views

 69,555 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

QuadComm hearing sa EJK’s, binabantayan ng CHR

 370 total views

 370 total views Inihayag ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagsubaybay sa isinasagawang pagdinig ng House of Representatives’ Quad Committee (QuadComm) sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJKs) sa kampanya laban sa ilegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Kabilabg sa sinusubaybayan ng komisyon ang mga testimonya at ebidensya na inilalabas sa pagdinig na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Philippine Jesuit Prison Service, nagbigay ng seminar sa mga kabataang PDL

 1,610 total views

 1,610 total views Puspusan ang isinasagawang hakbang ng prison ministry at socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) upang magabayan at mabigyang pag-asa ang mga naligaw ng landas lalo’t higit ang mga kabataang Persons Deprived of Liberty (PDLs) na nakagawa ng pagkakamali sa buhay. Sa ilalim ng psycho-spiritual, at strengths-based initiative ng na Philippine Jesuit

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CHR, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng OFW na binitay sa KSA

 5,708 total views

 5,708 total views Nagpahayag ng pakikiramay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga naiwang pamilya ng Pilipinong binitay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA). Kaugnay nito, mariing nanawagan ang Komisyon ng Karapatang Pantao na pinangangasiwaan ni CHR Chairperson Richard Paat Palpal-latoc sa pamahalaan na higit pang paigtingin ang pagsusumikap na matiyak ang kapakanan at kaligtasan

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CADP, muling nanindigan sa death penalty

 5,811 total views

 5,811 total views Muling binigyang diin ng Coalition Against Death Penalty (CADP) ang panawagan sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay sa gitna ng patuloy na pag-iral ng parusang kamatayan o capital punishment sa iba’t ibang bansa. Ito ang muling panawagan ni CADP President Karen Lucia Gomez-Dumpit sa paggunita ng World Day Against the Death Penalty

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Huwag magpasilaw sa popularidad ng sinumang kandidato.

 7,039 total views

 7,039 total views Ito ang bahagi ng panawagan sa publiko ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity matapos ang walong araw na paghahain ng Certificate of Candidacy ng mga naghahangad na kumandidato para sa 2025 Midterm Elections. Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Bro. Francisco Xavier Padilla, bilang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan ng VIPS

 11,178 total views

 11,178 total views Inihayag na ng prison ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang tema ng 37th Prison Awareness Sunday ngayong taon. Inilaan ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa pagkilala sa kahalagahan ng mga Volunteer In Prison Service (VIPS) ang paggunita ng Prison Awareness Week ngayong taon kung saan napiling tema ang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Korte Suprema, pinuri ng CHR

 11,307 total views

 11,307 total views Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang pinakabagong desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay diin na hindi na kinakailangan pa ng proof of resistance o patunayan ng mga biktima ng panggagahasa ang pagtutol sa mga kaso ng pang-aabuso o sexual assault sa pamamagitan ng puwersa, pagbabanta, o pananakot. Ayon sa komisyon na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Libreng entrance exam fee sa kolehiyo, pinuri ng CHR: Mas malawak na scholarship program, iminungkahi

 11,089 total views

 11,089 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa naisabatas na Republic Act No. 12006 o tinatawag din na “Free College Entrance Examination Act” na naglalayong gawing libre ang college entrance examination sa mga pribadong higher educational institutions (HEIs) para sa mga kuwalipikadong mag-aaral. Ayon sa komisyon, malaking tulong para sa bawat

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paalala ng Obispo sa mga nagnanais na maging opisyal ng bansa: “We are merely their servants”

 10,880 total views

 10,880 total views Pinaalalahanan ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga naghahangad na kumandidato sa nalalapit na halalan na magsilbing tunay na tagapaglingkod o ‘servant’ gaya ng mga lingkod ng simbahan na tagapaglingkod ng Diyos at ng kanyang kawan. Ito ang bahagi ng mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa sa 38th National Migrants Sunday

 14,482 total views

 14,482 total views Inaanyayahan ng Pastoral Care for Families of Migrants and Itinerant People of Novaliches (PAMINOVA) ang publiko partikular na ang kapamilya ng mga migrante na makibahagi sa nakatakdang paggunita ng diyosesis sa 110th World Day of Migrants and Refugees at 38th National Migrants Sunday. Ayon sa PAMINOVA, layuning ng diyosesis na gunitain at alalahanin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Priests and politicians are bound for a common goal, to serve the country

 12,148 total views

 12,148 total views Nilinaw ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ang mga lingkod ng Simbahan at mga halal na opisyal ng pamahalaan ay kapwa may pambihirang tungkulin at responsibilidad para sa kapakanan ng taumbayan. Ito ang bahagi ng mensahe at pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – CBCP Bishop-Promoter of

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pinuno ng CBCP-ECSC, itinalagang Obispo ng Diocese of San Pablo

 12,847 total views

 12,847 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Boac Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. bilang bagong pinunong pastol ng Diocese of San Pablo. Ang 55-taong gulang na si Bishop Maralit ang hahalili sa naiwang posisyon ng nagbitiw na si Bishop-emeritus Buenaventura Famadico dahil sa kondisyong pangkalusugan. Sa isinapublikong pahayag ng Diyosesis ng San Pablo na

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Nararapat ipaalala at ituro ang naganap na karahasan sa panahon ng martial law

 16,383 total views

 16,383 total views Binigyang diin ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) na mahalagang patuloy na ipaalala at ituro sa mga kabataan ang tunay na mga naganap sa bansa noong panahon ng Batas Militar sa gitna ng iba’t ibang tangka na baguhin ang nasabing bahagi ng kasaysayan. Ito ang ibinahagi ni PAHRA Chairperson Dr. Nymia

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Authoritarian regime umiiral pa rin sa Pilipinas

 14,098 total views

 14,098 total views Nagpahayag ng pagkabahala ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na mga paglabag sa karatapang pantao, at kawalang katarungan sa bansa makaraan ang 52-taon. Ito ang pagninilay ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

 15,827 total views

 15,827 total views Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar. Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top